CHAPTER 10

19.2K 409 15
                                    

"TELL me something about your life."

"Ha?"

"Sa oras ba na magtatanong ako sa'yo, palagi nalang 'HA?' ang isasagot mo?" badtrip na sabi ni Doc Matteo. Nandito sila ngayon sa may seashore, parehong pinapanuod ang paglubog ng araw.

Nagsalita si Cindy, "At sa oras ba na may sasabihin ka? Sisigawan mo talaga ako? Nakaka-offend ka na ha?" sigaw niya.

"Tss. Fine. I'm not going to shout. So, can you tell me about you and your life?"

Napakamot si Cindy ng ulo, "Anong ibig sabihin nun?"

Napa-facepalm si Doc Matteo, "I said, mag-share ka ng informations tungkol sa buhay mo. Gets?"

Umirap si Cindy, "'Yun naman pala e, in-english mo pa. Well, ako si Cindy Gonzaga. 24 years old. Blue ang favorite color ko. Minsan pink. Minsan yellow."

"Tssk! Don't give me nonsense things."

"Nonsense? Nonsense ba 'yung mga gusto ko? Palibhasa sa'yo masyado ka kasing seryoso sa buhay mo kaya pati color ng breif mo, iisa lang lahat!" sigaw ni Cindy.

Namula naman si Doc Matteo, "Tsk. Fine. Go ahead."

"So 'yun nga. Hindi ko natapos 'yung pag-aaral ko. One sem nalang sana graduate na ako. Lumandi e. Kaya 'yun, mas pinagtuunan ko ng pansin si Kristoff na hindi ko alam na niloloko na pala ako."

"How about your family?"

"Hmm, 16 kami lahat na magkakapatid. Pang-labing apat ako. 1 year lang lahat ng gap naming magkakapatid. Lahat sila graduate na. Ako nalang ang hindi. E ikaw? Sino ka?"

Weird pero tinanong ni Cindy. Mag-iisang linggo na silang magkasama, pangalan lang talaga ni Doc Matteo ang alam niya.

"Doc Matteo Grenier. Pangngatlo sa henerasyon ng mga Grenier na doctor. I'm turning 28. My mom died long time ago due to sickness causing me to push my med studies and my Dad, he's happy with his new family."

"I grew up with my grandparents and as a payment for their hardwork to me, I need to be married at the age of 27 since it's my granpa's wish to see me in a church with a bride."

"But that wish became impossible when you came in my life."

"Oo na! Ako na! Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa! Papakasalan na kita."

"Next week will be our wedding."

"Tapos?"

"Pagkatapos, tapos na tayo." sabi ni Doc Matteo na siyang ikinatahimik ni Cindy. 'Tapos na tayo?' bakit parang nasaktan si Cindy doon?

"Ba't natahimik ka? Ma-mi-miss mo ba ako?" nakangising sabi Doc Matteo, iniinis si Cindy.

"Tss. Feelingero! Ikaw? Mamiss mo? Pwe! Manag-inip ka!" sabi ni Cindy, aalis na sana siya pero napahinto siya nang hinawakan ni Doc Matteo ang wrist niya. "Just don't fall in love with me. Always remember that."

Nagsalita si Cindy, "Ikaw rin, don't fall in love with me. Baka mamaya, mahulog ka nalang sa'kin. Maganda pa naman ako." sabi ni Cindy sabay flip ng hair.

For the first time, napangiti si Doc Matteo dahil sa sinabi ni Cindy.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon