CHAPTER 13

17.8K 374 4
                                    

NAKAUWI na silang tatlo sa condo. Nakatulog narin si Granpa. Nasa 4th floor pa ang room ni Doc Matteo kaya hinintay niya nalang nila si Grandma sa may lobby.

"Napagod ata siya," sabi ni Cindy at umupo sa may side ng sofa. Nasa kabilang side naman si Doc Matteo ng sofa at sa gitna nila ay matatagpuan ang isang natutulog na si Grandpa.

"It's ecause you tolerated his childish attitude," cold na sabi ni Doc Matteo.

"Uy? Ano ba! 'Wag ka ngang ganyan! Mas okay nga 'yun e! Kaysa naman magkulong si Lolo doo sa mansyon niyo, mas maigi naring nakakalabas siya paminsan-minsan," sabi ni Cindy at maya-maya pa inuluwa na si Grandma ng malaking sliding door ng lobby.

Natulala si Cindy habang pinagmamasdan si Grandma na papalapit sa kanila at maya-maya pa..

"How was he?" tanong ni Grandma kay Doc Matteo.

"He's fine. Nakatulog lang talaga siya." sagot ni Doc Matteo at lumapit na si Grandma kay Grandpa.

"Honey? Let's go home?" nakangiting sabi ni Grandma. Idinilat naman ni Grandpa ang mga mata nkya at ngumiti, "Ang panget mo."

Natawa si Doc Matteo at si Cindy. Inirapan naman ni Grandma ang dalawa.

"Honey? Let's go home?" sabi ni Grandma at dahan-dahan namang tumayo si Grandpa.

Nang makatayo na si Granpa sa tulong ni Doc Matteo ay nagpaalam na siya kay Cindy, "Bye-bye! Girlfriend!"

"Bye-bye! Lolo!" nakangiting sabi ni Cindy habang kinawayan si Grandpa na kasalukuyan ng umaalis kasama si Grandma.

Lumabas si Cindy at Doc Matteo ng lobby at marahan nilang pinanuod ang pag-alis ng kotseng sinakyan nina Grandma.

Naiyak bigla si Cindy, "Na-gui-guilty ako. Pakiramdam ko, inuuto lang natin siya," sabi ni Cindy at inabutan siya ni Doc Matteo ng panyo. "Ang OA mo," usal ng doktor.

"OA na kung OA pero pakiramdam ko, hindi ko na kaya." sabi ni Cindy. Hindi niya mapigilan ang luha niya.

"At bakit?"

"Kasi nga fake lang 'yung meron tayo diba?" umiiyak na sabi ni Cindy.

"Then let's make it real." sabi ni Doc Matteo na siyang ikinahinto ni Cindy.

"Niloko ka ng boyfriend mo, iniwan ako ng girlfriend mo. Pareho tayong single."

"Matteo! Nababaliw ka na ba?" sigaw ni Cindy. For the first time, tinawag niya si Doc Matteo sa pangalan nito.

"Let's just test."

"Ha?"

"Ipikit mo ang mga mata mo at hahalikan kita, 'pag may naramdaman kang kakaiba, then let's make it real."

"Hoy! Ano ba!" umiinit pisnging sabi nu Cindy nang makita niyang unti-unting lumalapit ang gwapong mukha ni Doc Matteo sa mukha niya.

"Hoy! Baliw ka na talaga--" hindi na natapos ni Cindy ang sasabihin niya at naglapat ng pareho ang mga labi nila.

Napadilat si Cindy.

1...

2....

Biglang mag-s-slowmotiob ang mundo ni Cindy.

3...

Tutunog ang isang music sa background kagaya ng mga napapanuod niya sa movies.

4....

5...

Mapapapikit siya ng mata.

6...

Maramdaman niyang gagalaw ang labi ni Doc Matteo.

7...

8...

Matatahuan siya.

Itutulak si Doc Matteo.

"Ano? May nararamdaman ka ba?"

Namula si Cindy at napahawak siya sa dibdib niya.

<*Dugdugdugdug!*>

Sasampalin si Doc Matteo, "Bastos!"

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon