CHAPTER 20

18.2K 317 7
                                    

"BAKIT hindi mo sinabing gutom ka na pala?" badtrip na tanong ni Doc Matteo kay Cindy na nakahiga sa patient bed ng Clinic ng binatang doktor.

"Ang laki pala ng clinic mo, ba't hindi 'to gawing ospital?" tanong ni Cindy na iniiwasan ang mga titig ni Doc Matteo sa kanya.

"Cindy."

Napapikit si Cindy ng mga mata! Takte kasi talaga! Bakit kasi siya nai-intimidate kay Doc Matteo e! Hindi niya tuloy maintindihan kung kinikilig ba siya o dini-dysmenorrhea!

"Why are you not looking at me?" tanong niya, "May feelings ka na ba sa'kin?" pilyong ngumiti si Doc Matteo. Iiniinis si Cindy.

"Wala ah! Ang kapal ng apog mo!" namumulang sigaw ni Cindy.

"Talaga? Tignan nga natin." sabi ni Doc Matteo at at inilapat niya ang stethoscope sa dibdib ni Cindy.

Hindi naman nakapalag si Cindy sa ginawa ni Doc Matteo. At since ang lapit lang ng mukha ni Doc Matteo, mas lalong nag-init ang pisngi niya.

"Oh?" Ngumisi si Doc Matteo, kinabahin si Cindy. Alam niya kasi kung ano ang ibig sabihing ngising iyon. Nagpatuloy naman si Doc Matteo sa pagsasalita, "Bakit naririnig ko ang pangalan ko sa tibok ng puso mo?" nakangising sabi ni Doc Matteo na kunwaring pinapakinggan ang pagtibok ng puso ni Cindy sa pamamagitan ng stethoscope.

Nainis si Cindy kaya sinapak niya si Doc Matteo sa braso. "Ouch! What the heck? Yung totoo? Wrestler ka bang babae ka?"

"Tss. Alam mo? Ang kapal-kapal talaga ng apog mo! Oo gwapo ka, pero pwe! Wala akong nararamdaman sa'yo no!"

"So, nagwa-gwapuhan ka pala sa'kin?"

"Ewan ko sa'yo!" sabi ni Cindy at lumabas na ng Clinic pero agad din naman siyang bumalik.

"'Yung pouch ko, bwesit!" sabi niya at napangiti nalang si Doc Matteo.

Wait? Anong ginawa ni Doc Matteo?

Ngumiti siya? No way.

***

"BWESIT na lalaking 'yun! Ang hangin hangin? Ew? Ako may gusto sa kanya? Pwe!" sabi ni Cindy na kinausap 'yung halaman sa labas ng clinic ni Doc Matteo.

Badtrip siya at the same time, inis! Badtrip siya kasi ang tagal-tagal lumabas ni Doc Matteo, at inis naman siya kasi hindi parin siya maka-move on sa nangyari kanina.

"Stop talking with the plant, para kang tanga."

"Arrg!" nanggigil na sabi ni Cindy sa halaman. Nakalabas na pala si Doc Matteo at naka-change outfit na pala ito. Pumasok na Cindy sa kotse ni Doc Matteo at maya-maya pa ay sumunod narin si Doc Matteo.

"Dalhin mo ako sa isang restaurant. 'Yung eat all you can! Gutom na ako!" sigaw ni Cindy.

"Yes, love." sabi naman ni Doc Matteo at nagkatinginan naman silang dalawa sa may rear view mirror. Nasa backseat kasi si Cindy. Ayaw niyang tumabi kay Doc Matteo. Baka ma-intimidate lang siya.

"Love, sa eat all you can mo gustong pumunta 'di ba?"

"Ano ba!! 'Wag mo nga akong tawaging love! Nandidiri ako!" sigaw ni Cindy habang tinatakpan niya ang pareho niyang tainga while making face at kumakanta-kanta pa na parang baliw para hindi niya marinig ang sinasabi ni Doc Matteo.

"Cindy, maganda ka naman e, makinis, pasok ka na sa standards ko. Kaya kung gusto mo, sige, okay lang naman sa'kin na maging tayo."

"Aba!!" pudpud gilagid na sabi ni Cindy. Nanggigil na talaga siya kay Doc Matteo sa pagiging mahangin nito. Magsasalita na pala siya pero hindi na nagawa nang biglang mag-break si Doc Matteo ng malakas. Nahalikan naman bigla ni Cindy ang flooring kotse sa sobrang lakas ng pag-break.

Maya-maya pa nabukas ng pinto sa side niya, "My Love, let's go?" sabi ni Doc Matteo kay Cindy.

Nainis si Cindy kaya sa kabilang pinto siya pumunta. Akala niya makakalabas siya roon pero, "Jusko! Pa'no ba 'to buksan." sabi ni Cindy habang hinihila ang pinto ng kotse. Natawa nalang si Doc Matteo sa ginagawa niya.

"Alis!" sabi ni Cindy at lumabas na.

Kumain sila sa loob ng resto. Alam ni Cindy na isang kasalanan ang gluttony pero lahat na yatang magkasya sa plato niya, kinuha na niya sa may buffet.

"Dahan-dahan lang, hindi ka mauubusan," sabi Doc Matteo kay Cindy na lamon lang ng lamon.

"Alam mo Cindy, kung kay nararamdaman ka towards me, just speak ir to me so that we can work it out."

"Uho! Uho!" Biglang nabuo si Cindy sa sinabi ni Doc Matteo at maya-maya pa ay bigla siyang nabilaukan.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon