CHAPTER 27

16.9K 293 15
                                    

KASALUKUYANG nagbibihis ngayon si Cindy sa kwarto ni Doc Matteo. Badtrip siya since hindi na niya maaabutan ang late night episode ng Doraémon since nagtext na sa kanya si Doc Matteo. Kinilig na sana siya sa naunang text nito na nagsasabing magpo-propose ito sa kanya ngunit nang mabasa niya ang pangalawang message nito ay narita siya bigla.

"Bwesit siya! Ang flawless-flawless ng legs ko, tapos sasabihin niyang may peklat? Pwe!" sabi ni Cindy marahan niya naman niyang binura ang lumagpas na red lipstick sa pisngi niya. Galit kasi siya kanina kaya pati pisngi ay nalagyan niya ng lipstick.

"Ang ganda ko na." Maluwalhating sabi ni Cindy sa harap ng salamin at umalis na ng condo unit.

Inabot siya ng isang oras sa daan dahil sa sobrang traffic at nang makarating siya sa may Downtown Plaza ay medyo nagtaka si Cindy sa sobrang daming tao na bumungad sa paningin niya.

"OMG! Ang hot niya talaga! Ang sarap niyang dilaan."

"My gosh! For sure may abs siya."

"Sinabi mo pa."

"Kanino kaya siya magpo-propose?"

"Sana sakin na lang! My gosh!"

Kinabahan si Cindy. Parang kilala na niya kung sino ang pinagkakaguluhan sa may unahan. Inayos niya ang sarili niya at huminga na lang ng malalim, "Kaya mo 'yan Cindy. Kaya mo 'yan."

Lumusot na si Cindy sa madla at nang makarating siya sa harapan ay nagliyab ang parehong pisng niya nang makita niya ang naka-tact in na si Doc Matteo. Mas tumindi ang pag-init ng pisngi niya nang magkatagpo ang mga tingin nila sa ere na sinabayan pa ng tili ng madla.

Hindi nakagalaw si Cindy. Ang buong akala niya ay patago lang gagawing proposal ni Doc Matteo pero hindi niya in-expect na ganito pala kadami ang taong makakasama nila.

"Ano na naman ba ang trip mo?" mahinahon ngunit tulalang sabi ni Cindy nang lumapit si Doc Matteo sa kanya.

"Tsk." Iyon lang ang sinabi ni Doc Matteo at lumuhod na siya sa harapan ni Cindy.

"Aaaa!!" Tili ng mga babae at maya-maya pa ay biglang nag-on ang dancing fountain sa harapan ni Cindy na siyang ikinamangha ng mga mata niya. What a surprise. Sobrang ganda talaga ng fountain lalo pa't mas emphasized ang ilaw nito since gabi na at kung TOTOO lang talaga sana ang relasyon nila ni Doc Matteo ay paniguradong maiiyak na Cindy ngayon.

"I told you not to wear short shorts." Diin na sabi ni Doc Matteo. Nagtimpi naman ng galit si Cindy. Bago pa siya masapak ng dalaga ay mabilis na nitong kinuha ang box na nasa bulsa niya.

"Marry me." Plain na sabi ni Doc Matteo as he immediately pulled out the ring from the box.

Muling nagtilian ang mga tao.

Cindy irriatedly closed her eyes, "Lilipas din 'to Cindy. Lilipas din to." sabi niya sa sarili niya at makalipas ang ilang sandali ay sinabi na niya ang magic word.

"Yes." sabay irap ng mga mata.

"Ahh!" Tili ng mga tao.

Napangisi si Doc Matteo. He's enjoying Cindy's irratation.

Agad na isinuot ni Doc Matteo ang saphire ring sa ring finger  ni Cindy kaso biglang natigilan si Doc Matteo nang biglang bumara ang singsing sa may gitna ng daliri ni Cindy.

"Ouch!" daing ni Cindy nang maramdaman niya ang pag-pwersa ni Doc Matteo na isakto ang sing-sing sa daliri niya.

"Aray!" sigaw ni Cindy.

Nagpawis bigla si Doc Matteo, "Hindi kasya." bulong niya sa dalaga.

"Ano!? Tanga ka ba? Bumili ka ng ring, hindi naman pala kasya?" sigaw ni Cindy. Nagtaka bigla ang mga tao.

"Bakit? Kasalanan ko ba kung maraming kalyo ang kamay mo?" Biglang kumulo ang dugo ni Cindy sa galit. Magsasalita pa sana siya kaso hindi na niya nagawa nang biglang idiniin ni Doc Matteo ang singsing sa daliri niya.

"ARAY!" Pumilipt si Cindy sa sobrang sakit kaso hindi na iyon napansin ng madla ng bilang nagtilian 'yung mga babae sa ginawa ni Doc Matteo.

"Kiss! Kiss!" sigaw ng mga tao. Nakangisi lang si Doc Matteo sa puntong ito habang si Cindy naman ay halos mangiyak-ngiyak na sobrang sakit ng daliri niya. Pakiramdam niya bumara 'yung dugo sa daliri niya.

"Pa'no ba 'yan? They want me to kiss you?" Nakangising tanong ni Doc Matteo kay Cindy showing his white set of teeth.

"Kiss? Kiskisin mo 'yang apog mo!" Naglakad si Cindy sa harapan ni Doc Matteo. Aalis na sana siya nang bigla niyang naapakan ang balat ng saging causing for her to fall on Doc Matteo's arms. Nagkatinginan silang dalawa sa ere habang tinitilian sila ng mga tao. Doc Matteo was about to stand Cindy up kaso bigla siyang na-out of balance.

Nang ibuka naman ni Cindy ang mga mata niya ay natagpuan na lang niya ang sarili niya na nakapatong na kay Doc Matteo habang ang kanyang mga labi naman ay nakalapat lang sa maninipis na labi ng binatang Doctor.

Pareho silang namula.

"Ayeee!" sigaw ng mga tao habang 'yung iba ay kinukumbulsyon na sobrang kilig.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon