CHAPTER 23

16.7K 306 7
                                    

"WHY are you here?"

"And why I can't be here? Girlfriend mo ako."  Natulala si Doc Matteo sa sinabi ni Steffany.

"Steffany, tapos na tayo."

Natawa si Steffany, "Oo nga pala, ikakasal ka na pala."

Bagama't nabigla si Doc Matteo kung paanong nalaman ni Steffany na ikakasal na siya ay nagpatuloy parin sa pagsasalita ang binatang doktor, "Not here, Stefanny. Please."

Ngumiti si Steffany ala epokrita, "Okay, madali naman akong kausap. So saan tayo? Uhm, I have a suggestion. How about sa coffeeshop kung saan kita sinagot?"

"Steffany, please stop---"

"Tara na Matteo! Ang dami mo pang sinasabi e." Nakangiti at mabilis na hinila ni Steffany ang kamay ni Doc Matteo. Nakaramdam ng kaonting ilang si Doc Matteo pero wala rin naman siyang nagawa since ayaw naman niyang bastusin si Steffany.

Nang makarating sila sa coffeeshop, daldal lang ng daldal si Steffany. Nahinto lang siya nang biglang nagsalita si Doc Matteo.

"Steffany, it's already late. Alas tres na ng madaling araw. Go home." Tumayo si Doc Matteo pero nahinto siya nang magsalita si Steffany.

"But you're home. So, should I go with you?"

"You're hopeless." Doc Matteo said at umalis na. Marami siyang gustong klaruhin  kay Steffany pero malinaw na sa kanya ang lahat. Hindi pumunta si Stefanny ng California. Nakita niya si Steffany na may kaharutang iba. That's it. Hindi tanga si Doc Matteo para hindi niya maintindihang niloloko lang siya ni Steffany.

"Matteo!" Tumakbo si Steffany palabas ng coffee shop at hinabol niya ang binatang doktor at nang mahabol niya ito ay mabilis niyang niyakap si Doc Matteo mula sa likod bago pa man ito makapasok sa kotse, "Where are you going? Ganito naman tayo dati diba?"

"Dati." Doc Matteo emphasized that word, dati.

Kumalas si Sofia sa pagkakayakap niya kay Doc Matteo at hinarap niya ito, "Fine! Alam ko naman kung bakit ka nagkakaganyan e. Kasi may bago ng girlfriend at magpapakasal na kayo! Akala mo hindi ko alam? And it was that girl pa talaga! That girl na binutasan mo!"

"So, you were stalking me?" Natawa si Doc Matteo.

"Yeah. You're right. Sinusundan ko ang bawat galaw mo kasi mahal parin kita!" Steffany said in the most disgusting way na tipong hindi na maramdaman ni Doc Matteo ang sinasabi niya. Mahal parin siya ni Steffany? Ba't hindi niya iyon maramdaman? Nakakaloka.

"You know Matteo, alam ko naman dati pa e. Alam ko namang hinihintay mo lang na makipag-break ako sa'yo. Kaya fine! I'm setting you free! Pero tandaan mo 'to Matteo," tinignan ni Steffany si Doc Matteo sa mga mata nito, "You know me. You know what I can do. I will make sure na hindi kayo magiging maligaya ng kirida mo!"

Ngumisi si Doc Matteo, "Why? Akala mo ba takot ako sa'yo? Steffany, stop joking will you? Kahit ano pa ang sabihin mo, I'll be marrying Cindy." Doc Matteo said. While cursing Doc Matteo to hell, umiiyak na umalis si Steffany.

Ngumiti naman si Doc Matteo. "I'll be marrying Cindy. Wait? Did say that?" He said and after he shook his head at natatawang pumasok na kotse niya.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon