CHAPTER 33

14.8K 240 3
                                    

"SO, naliligaw nga tayo?" naiiyak na tanong ni Cindy kay Doc Matteo.

"Hindi tayo naliligaw, hinihinaan ko lang ang takbo ng kotse since kaonti na lang ang gasoli---"

Hindi pa natatapos si Doc Matteo sa pagsasalita ay tumirik na ang kotse. Napa-face-palm na lang si Doc Matteo.

Maya-maya pa, naiyak si Cindy. "Paano na tayo makakarating doon? Pa'no na si Lolo?" umiiyak na sabi ni Cindy.

"Tsk. Ang OA mo." Doc Matteo said at pagmulat ng mata ni Cindy, nakabukas na ang pinto sa side niya. Nakita niya si Doc Matteo with his hand na nakatuon siya sa kanya.

"Let's go?" Doc Matteo said, umirap naman si Cindy, hinawakan ang kamay ni Doc Matteo at sabay silang tumakbo.

The scenery right now was kinda euphoric. Sunset na kasi at pareho silang tumatakbo sa gitna ng daan kung saan sa gilid ay may matatayog na pine trees ang makikita.

"Are you ready to marry me?" tanong ni Doc Matteo kay Cindy habang pareho silang tumatakbo.

Ngumiti si Cindy ng mapait, "Oo. Ready na. Fake lang naman 'yun 'di ba? Kaya walang problema."

Nasaktan si Cindy sa sinabi niya. Fake? Bakit ba kasi fake pa? Ba't hindi na lang nila totohaning dalwa?

Maya-maya pa, biglang natapilok si Cindy. Namudmud ang nguso niya sa daan.

Siyempre, agad siyang tinulungan ni Doc Matteo

"Kumapit ka." Doc Matteo said at nag-piggy-back-ride naman si Cindy in a very awkward way. Namula bigla si Cindy.

"Stop starring at me. Baka ma-addict ka." Doc Matteo said na siyang ikinainis ni Cindy.

"Ibaba mo ako! Isa! Dalawa!!!"

Ngumisi si Doc Matteo, "Tatlo. I know how to count."

"Ibaba mo ako sabi e!!!"

"No."

"At bakit?"

"Because I love carrying you this way."

Natulala bigla si Cindy habang nakatitig sa gilid ng mga mata ni Doc Matteo.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon