CHAPTER 35

16K 262 10
                                    

"MATTEO!" That lady shouted at mabilis siyang tumakbo papunta kay Doc Matteo.

"I miss you." She said sabay yapos kay Doc Matteo at sabay halik sa mga labi nito.

It was Steffany. Ang ex-girlfriend ni Doc Matteo.

Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Cindy at hindi namalayan na umagos na pala ang luha niya.

"Sino siya?" parang batang tinuro ni Grandpa si Steffany. Takang-takang si Granpa ngayon kung bakit may ibang babaebang humalik sa apo niya. Sa isip ni Granpa, si Girlfriend ( Cindy) lang dapat ang humalik sa apo niya pero ano 'tong nakikita niya?

Pakiramdam ni Grandpa, sumisikip dibdib niya.

"Just wait here honey," sabi ni Grandma kay Granpa. Tumayo si Grandma at lumapit siya sa may altar kung saan nandoon si Doc Matteo, si Cindy at ang hepokritang si Steffany.

"Wait? What's happening here? Who are you?" Grandma asked Steffany with authority. Pinandilatan niya si Steffany. Tinaasan niya ito ng kilay at tinignan mula paa hanggang ulo.

"I'm Matteo's real-girlfriend, Grandma." Steffany bowed infront of Grandna.

"Matteo? What is this?" usal ni Grandma kay Doc Matteo. Alam niyang fake lang ang wedding na ito. Alam niyang fake lang ang relasyon ng apo niya at ni Cindy. Alam din niya kaka-break lang ni Doc Mattep sa ex niyang si Steffany, pero ano ang nangyayari ngayon?

"Grandma, matagal na kaming tapos!" Lumapit si Doc Matteo kay Steffany, "What are you doing here ha? Alam mo ba kung anong ginagawa mo?" Nagtangis ang mga ngipin ni Doc Matteo nang sabihin niya iyon kay Steffany.

Naiyak si Steffany, "Your assistant Margie told me you're marrying with thay cheap girl this day!" Stefanny pointed Cindy na umiiyak na rin ngayon.

"Steffany? Hindi mo ba naalalang ikaw ang nakipag-break sa'kin? You did not even listen on me at basta-basta ka na lang umalis, so how can you do this to me? Paano mo nagagawang husagahan kung sino ang papakasalan ko? Mahiya ka naman? You know Steffany, tama nga lang talagang nakipag-break sa'kin. Because you don't deserve me!"

"Oo Matteo ako ang nakipag-break sa'yo, pero I can't understand kung bakit ang bilis-bilis mong nagpakasal. And I hate that. I hate you for marrying that girl!" sigaw ulit ni Steffany. Mas lalong naiyak si Cindy.

"Shut up!" sigaw ni Doc Matteo.

"Ano bang gusto mo Steffany? We're over right? At sino ka para para pigilan ako? Hindi ka ba nahiya sa sarili mo? Niloko mo ako. You told me na pumunta ka ng ibang bansa, but you actually, you lied kasi ang totoo, nakipaglandian ka lang sa ibang lalaki matapos mong itaboy!"

"Matteo--" umiiyak na usal Steffany, "That's not true." dagdag niya.

"It's true! Nakita mismo ng dalawang mata ko. Last week, sa isang coffeehouse may kasama kang lalaki. Both of you were very sweet that time, nagsusubuan pa nga kayo ng cake that time," natawa si Doc Matteo in a sarcastic way, "Ngayon, tinatanggi mong hindi totoo?" natawa si ulit si Matteo.

"Oo! Tama ka! Tama lahat ng sinabi mo Matteo. Tutal nasira ko lang din naman ang kasal niyo, sige, lulubus-lubusin ko na."

Humarap si Steffany sa mga bisita, binura niya ang mga luha niya at ngumiti na parang si satanas, "I just want to inform all the persons that are here that this wedding is fake! Inuuto lang nilang kayong lahat! Inuuto lang nila kayo."

Nag-umpisang mag-bulong-bulungan ang mga tao.

"Guard! Kunin niyo ang babaeng 'to!" sigaw ni Grandma at agad namang kinuha si Steffany ng mga security guard.

Naiyak muli si Cindy. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdamann. Hiya. Sakit. Awa sa sarili. Lahat sabay-sabay niyang nararamdaman niya.

Nahihiya siya sapagkat kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana dapat nangyayari ang gulong ito. Kung hindi lang san siya naglasing noong araw na nakita niyang may ibang kakama si Kristoff, sana hindi humantong ang lahat sa ganito.

Masakit, kasi wala siyang magawa kundi ang tumayo at umiyak sa may altar. Naawa siya sa sarili niya.

Gulong-gulo na ang lahat ng mga bisita. 'Yung iba, nagsisialisan na.

"I'm very disappointed." Grandma said towards Doc Matteo at umalis na siya. Pinuntahan niya si Granpa sa isang table kung saan wala itong kamalay-malay na kumakain ng spagetti, "Anong nangyayari?" tanong nito.

"Let's go honey. Niloloko lang nila tayo." Umiiyak na sabi ni Grandma kay Granpa habang pinupunasan ang bibig nito.

"Niloloko? Hindi ako pwedeng lokohin ni Girlfriend. Nangako siya sa'kin." Grandpa said at umiyak na lang na parang bata habang hinhinal ni Grandma.

"Nangako si Girlfriend ko! Nangako siya." umiiyak na sabi ni Grandpa.

"Girlfriend! 'Diba nangako ka?" sigaw ni Granpa kay Cindy. Nasa malayo na si Ganpa pero sumisigaw pa rin ito.

Biglang napahikbi si Cindy matapos niyang marinig 'yun mula kay Granpa. "Lolo, I'm sorry!" Cindy said at napahagulhol na lang siya.

Maya-maya pa, biglang kumulog ng malakas at makalipas ang ilang sandali ay unti-unting umambon at umulan na nga nang tuluyan.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon