CHAPTER 37

17K 267 5
                                    

MABILIS na tumakbo si Doc Matteo papunta sa nagkukumpulang tao.

Umuulan pa rin ng malakas at sa puntong ito, mabilis na ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata niya.

Hindi siya nakaramdam ng pagod. Hindi siya nakaramdam ng hingal. Ang alam niya lang ay gusto niyang makita ang grandpa ngayon.

Hinawi ni Doc Matteo ang mga tao ngunit bago pa man niya makita kung sino ang pinagkakaguluhan nila ay napahinto siya nang biglang may nagsalita sa gilid niya...

"Girlfriend? Kawawa 'yung matandang baboy no? Sana ginawa na lang siyang letchon. Kaso nasagasahaan 'yung matandang baboy. Kakawawa siya Girlfriend no?"

"Oo nga Grandpa e. Kakawa siya. Pero Grandpa, uwi na tayo please?"

"Ayoko! Gusto ko kasama ka Girlfriend ko."

Biglang natigil ang mundo ni Doc Matteo nang marinig niya iyon. Mabilis siyang napalingon at nang makita niya si Grandpa kasama si Cindy na ginawang payong ang dahon ng punong saging ay mabilis siyang napayakap sa Grandpa niya.

"Grandpa? Saan ka pumunta? Bakit umalis ka na lang bigla?" tanong ni Doc Matteo.

"Hehe. Hinanap ko si Girlfriend. Gusto ko i-share sa kanya ang spagetti ko e. Akala ko hindi ko siya mahahanap mabuti na lang at nakita niya ako. Diyan siya nakasakay sa truck oh! Mabuti na lang at hindi ako nasagasaan kasi 'yung baboy 'yung nasagasaan e. Hehehe. 'Diba ang galing?" Parang batang tumalon-talon si Grandpa.

Agad namang lumapit si Cindy, "Nakisakay ako sa truck na 'yan para makauwi since wala akong pera. Nakita kong hinahabol ni Granpa 'yung biik kaya pinahinto 'yung driver. Muntikan na siyang masagasaan."

Maya-maya pa, may humintong kotse sa gilid nila. Mabilis na bumaba ang mga butler pati na si Grandma. Mabilis na niyakap ni Grandma si Granpa. Hindi na niya inalintana kung mababasa ba siya ng ulan.

"Where did you go?" umiiyak na tanong ni Grandma.

Tumawa naman si Grandpa, "Hinanap ko si Girlfriend. Gusto ko i-share sa kanya ang spagetti. Akala ko hindi ko siya mahahanap mabuti na lang at nakita niya ako. Diyan siya nakasakay sa truck oh! Mabuti na lang at hindi ako nasagasaan kasi 'yung baboy 'yung nasagasaan e. Hehehe. 'Diba ang galing? Pero actually, inulit lo na ang sagot. Hehehe. Para na akong sira!"

"Are you okay?" Tumango-tango si Grandpa bilang sagot. Hinila naman ni Grandma si Granpa papasok ng kotse. Naiwan si Doc Matteo at Cindy.

"You're still wearing that gown?"
L awkward na tanong ni Doc Matteo. Tumango-tango ni Cindy. Maiiyak na.

"Do you want to join us?"

"Hindi na. May masasakyan naman na ko e." Naiiyak na sabi ni Cindy. Hindi lang halatang umiiyak siya since umuulan pa rin ngayon.

Tumango-tango si Doc Matteo at pumunta na sa may kotse. The car was starting to move kaso bigla itong huminto.

"Girlfriend ko!"

Umiiyak na lumabas si Grandpa at niyakap si Cindy.

"Honey!" Mabilis namang lumabas si Grandma at si Doc Matteo.

"Honey! Let's go!" umiiyak na sabi ni Grandpa habang hinihila si Granpa na nakayakap kay Cindy.

"Ayoko! Gusto kong isama si Girlfriend." umiiyak na sabi ni Grandpa. Maya-maya pa naiyak narin si Doc Matteo.

Nagsalita si Cindy, "Lolo, umalis na po kayo. Masama po ako 'di ba? Nagsinungaling nga ako sa inyo e. Bad po ako Lolo kaya umalis na po kayo."

"Hindi! Hindi ka bad, ginawa mo lang 'yu  para sa'kin!" umiiyak na sabi ni Granpa. There, natahimik silang lahat. Sa puntong ito talagang humahagulhol na si Granpa. Ayaw niyang bitawan si Cindy.

"Kung aalis ka Girlfriend ko, pa'no na si Apo ko? Malulungkot siya? Malulungkot ako."

"Lolo, fake lang po kami. Hindi totoong kami."

"Pero pa'no 'yung nararamdaman niyo Girlfriend? Fake pa rin ba? Ayoko! Ayokong umalis ka!"

"Lolo, please! Bitawan niyo na po ako! Hindi po kami para sa isa't-isa ng apo niyo."

Umiling-iling si Lolo habang umiiyak, "Pa'no mo nasasabing hindi kayo para sa isa't-isa girlfriend? Manghuhula ka ba? Hindi naman diba? Pa'no kung kayo talaga? Pa'no kung kayo talaga ang para sa isa't-isa?"

"Honey, let's go!"  Wala ng nagawa si Grandpa nang hinatak siya ng mga butler ni Grandma. Iyak lang siya ng iyak habang sinisigaw ang salitang 'Girlfriend'.

Doc Matteo was also in his emotional state. Hindi siya makapagsalita.

"Pa'no kung tayo nga ang para sa isa't-isa?" madiin na tanong ni Doc Matteo habang nakatingin sa mga mata ni Cindy.

"Siguro. Ewan. Hindi ko alam. Pero kung para nga tayo sa isa't-isa Matteo, baka hindi pa ngayon ang tamang oras." umiiyak na sabi ni Cindy.

"Sige, hihintayin ko ang oras na 'yun." Doc Matteo said at umalis na.

The car was starting to move and Cindy was just watching the car go habang pinapakinggan niya ang pagsigaw ni Grandpa sa loob nito.

Nang mawala ito sa paningin niya, napaluhod siya sa gitna ng daan with her wedding dress na ngayon ay maruming-marumi na dahil sa pinaghalong ulan at dumi ng daan.

Napahagulhol si Cindy.

Malakas ang tunog ng ulan pero mas malakas ang pag-sigaw niya.

Masakit.

Oo.

Masakit.

But maybe, hindi pa talaga ito ang tamang oras para sa kanila.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon