CHAPTER 5

25K 502 26
                                    

"TEKA? Nagbibiro ka lang 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Cindy kay Doc Matteo. Nandito parin siya ngayon sa loob ng mansyon ng mga Grenier. Hindi alam ni Cindy kung ano itong gulong pinasok niya. Oo inaamin niyang medyo shunga-shunga siya pero hindi niya maatim sa sarili niya na dahil sa ginawa niyang kasalanan sa lalaking kaharap niya ngayon ay magiging fiancé na siya nito.

"Grandma, grandpa, she is Sidney, my fiancé," pag-uulit ni Doc Matteo.

"Cindy! Hindi Sidney! Tanga!" nanggigil ngalangalang sabi ni Cindy kay Doc Matteo.

"Tss. Do you think my grandparents cares about your name?" pabulong na tanong ni Doc Matteo.

Hindi umimik si Cindy.

Wala siyang na-gets sa sinabi ni Doc Matteo.

"Maupo kayo," sabi naman ng Grandma ni Doc Matteo. Parehong umupo si Cindy at Doc Matteo sa sofa. Ngayon, kaharap na Cindy ang grandparents ni Doc Matteo.

"Iha? Ba't ang ikli ng palda mo? G.R.O. ka ba?" tanong ng Grandma ni Doc Matteo.

Natawa si Cindy in a very sarcastic way, "Hahaha. Ayos 'tong lola mo ah?" tanong niya kay Doc Matteo.

"Sagutin mo ng maayos. Remember na may kasalanan ka pa sa'kin," pabulong namang sabi ni Doc Matteo.

Tumawa naman ang Granpa ni Doc Matteo sabay palakpak na para bang niregaluhan siya ng isang toy car. Medyo bumabalik na kasi ang pag-iisip nito sa pagka-bata kaya ganun nalang ito kung tumawa.

"Iha? Naligo ka ba?"

"H-ha? Ano po 'yun lola?"

"Alam mo bang nangangamoy kana?" sabi ng Grandma ni Doc Matteo, "Matteo? Hindi mo ba tinuturuan ng proper hygiene itong girlfriend mo?" dagdag nito.

"Aba! Loko 'tong lola mo--" tatayo na sana si Cindy pero agad naman siyang hinila ni Doc Matteo causing for her na mamudmud ang mukha sa napakalawak na chest ng binatang doktor. Namula naman si Cindy nang lumapat ang mukha niya sa mabango at napaka-manly na clevege ni Doc Matteo.

"Grandma, I'll promise that I'll be teaching him some proper hygiene," nakangiting sabi ni Doc Matteo sa Grandma niya.

Lumapit siya sa tainga ni Cindy, "Hindi ka ba nagdedeodorant? Ganun ka ba kahirap para hindi makabili ng isang sachet ng rexona?"

Namula ulit si Cindy sa inis pero pinigilan niya lang ang sarili niya.

"So ilang taon na kayong magkasama?"

"Kagabi lang."/"3 years." in chorus na sabi ni Cindy at Doc Matteo. Palpak!

"3 years na kami Grandma. 3 years na," sabi ni Doc Matteo at pinandilatan niya si Cindy at kahit idinilat ni Doc Matteo ang mga mata niya, gwapo parin siya. 'Ang unfair!' sabi ni Cindy sa isip niya.

Hindi na sumabat si Cindy. Medyo nagets na niya drama ni Doc Matteo. Ang hindi niya lang talaga ma-gets ay kung bakit nangangamoy bagoong siya. Nakakahiya.

"At bakit ngayon mo lang naisip na ipakilala siya sa'min? Napagkamalan ka pa naming bakla, may girlfriend ka na pala?" pabagsak na tanong ng Grandma ni Doc Matteo sa kanya.

Natawa naman si Cindy. 'Bakla kaya 'to? Sayang naman.' sabi niya sa isip niya.

"It's because I want a private relationship, kung nalaman niyo noon pa man ay may girlfriend na ako ay paniguradong papakialaman niyo lang buhay namin," sabi ni Doc Matteo. Humalhal naman na parang aso ang Granpa niya. Pinunasan naman ng maid ang tumulong laway ng Grandpa ni Doc Matteo.

"I'll just give you an update on when will be the date of our wedding, babalik kami dito after 2 weeks," tumayo na si Doc Matteo at nagmano na siya sa grandparents niya.

Hinila ni Doc Matteo si Cindy palabas. At nang makalabas na sila...

"Teka nga?" sigaw ni Cindy.

"Anong wedding ang pinagsasabi mo? At alam mo bang ang bastos-bastos mo sa lola mo ha?" sigaw ni Cindy. Tumalsik talsik 'yung laway niya sa mukha ni Doc Matteo kaya napapikit nalang ang binatang doktor habang pinapakiramdaman niya ang paglapat ng mga butil ng laway sa mukha niya.

"We'll going to have a fake wedding as soon as possible," sabi ni Doc Matteo.

"At bakit tayo magpapakasal? Bakit tayo ba?"

"That's why it will be a FAKE wedding. Slowpoke," sabi ni Doc Matteo na siyang nagpainis kay Cindy.

"Hoy! Lalaking mataas ang tingin sa sarili, alam kong may kasalanan ako sa'yo pero OA na masyado ang pagpapakasal ha?"

"Why? Do you think I want to be marry you? Sa liit ng boobs mo, sa tingin mo, magkakagusto ako sa'yo?"

Napakapit naman si Cindy sa boobs niya.

'Kung hindi mo lang sana ako pinahiya sa girlfriend ko kagabi, then, sana kami parin hanggang ngayon. Kung hindi ka lang sana gumawa ng eksena kagabi, siya sana dapat ang iniharap ko sa grandparents ko and not you. You ruined my life, you ruined our relationship, and you have to pay for it!"

Kahit kalahati lang naintindihan ni Cindy sa sinabi ni Doc Matteo ay alam niyang galit na ito.

Na-realize na ang laki pa talaga ng damage na ginawa niya.

"Oo na! Gagawin ko na! Pero sana! Huwag mo lanf akong english-san, kasi hindi kita maintindihan!" sigaw ni Cindy.

"Tss," sabi ni Doc Matteo at naglakad na. Sumunod naman si Cindy.

"Ang dami mong satsat."

"Fine. I'll do my breast." sabi ni Cindy.

"What?"

"I said I'll do my breast! Doktor ka, hindi mo alam ang breast! Ikaw pala tong slowpoke e!" daldal no Cindy.

"Hey?" natawa si Doc Matteo in a very sarcastic and insulting way, "Are you trying to say BEST instead of BREAST right?"

Natulala si Cindy at nag-isip, "I'll do my b-b-breast.... I mean best. Ano bang sinabi ko ha? Bwesit!" nahihiyang sabi ni Cindy sabay alis

Natawa naman si Doc Matteo in a very wholesome way! Gosh!

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon