CHAPTER 36

16.6K 241 2
                                    

GABI na at umuulan pa rin ngayon  Naka-check in si Doc Matteo at pati na ang grandparents niya sa isang hotel. Kasalukuyang ini-interview ng mga media ngayon si Doc Matteo sa may lobby ng hotel. Bigatin din kasi itong si Doc Matteo kaya medyo tumrending ang fake wedding nila ni Cindy.

"Is it true na fake wedding ang naganap?"

"Bakit naging fake ang wedding?"

"What's your main intention?"

Dada lang ng dada ang mga reporters ngayon na parang bubuyog. Bagamat naiinis na si Doc Matteo ay nanatili pa rin siyang kalmado habang paisa-isang sinasagot ang mga reporters.

"Doc, nawawala po raw si Grandpa." Biglang napahinto si Doc Matteo sa pagsagot matapos niyang marinig ang impormasyong iyon mula sa isang butler ng pamilya nila.

"Excuse me." Hinawi Doc Matteo ang mga taong nagkumpulan sa harap niya at agad niyang tinahak ang hagdan. Nang makarating siya sa fourth floor, nagulantang siya ng makita niya ang Grandma niya na umiiyak na.

"Where is he?" natatarantang tanong ni Matteo sa Grandma niya.

"He was just here, pero bigla na lang siyang nawala," nawiwindang na sagot ng Grandma ni Doc Matteo. Hindi na nagsalita pa si Doc Matteo at lumabas na siya ng pinto. Pinuntahan niya ang operational office ng hotel at nagpa-check ng CCTV footages. There, nakita niyang lumabas na pala si Grandpa ng hotel.

Agad na tumakbo si Doc Matteo sa hallway ng mga rooms. Nang makalabas siya ng hotel ay agad niyang sinulong ang maulan na daan.

"Hey? Miss! May nakita ka bang lalaking matanda na ganito ka-tangkad? May suot na oriole shorts at nerdy sleeves?" tanong ni Doc Matteo sa isang babaeng nakapayong.

"Ay opo! Nakita ko siya! Gusto ko ngang ibigay itong payong ko sa kanya pero tumatanggi siya. Hinahanap niya raw si Girlfriend." sabi ng babae. 'Hinahanap niya si Cindy,' usal ni Doc Matteo sa isip niya.

"Where did he go?"

"Papunta siya dun!" turo ng babae at agad namang tumakbo si Doc Matteo sa tinurong direksyon ng babae.

Basang-basa na si Doc Matteo ngayon ng ulan at lamig na lamig na rin siya. He's even trembling dahil sa ginaw pero pinipilit niya pa ring tumakbo.

"Grandpa!!" sigaw ni Doc Matteo sa kawalan. Sampung minuto na niyang nilalakad ang ang kalsadang tinuro ng babae pero hindi niya pa rin nakikita si Grandpa.

Sa puntong ito, biglang nawalan ng lakas si Doc Matteo. Napaiyak siya.

Lahat ng oras na kapiling niya si Grandpa noong bata pa siya ay biglang nag-baliktanaw sa isip niya. His Grandpa stands as his father to him and he can't afford to lose his Granpa. Gagawin niya ang lahat para rito.

Muling tumakbo si Doc Matteo while shouting 'Granpa'. Maya-maya pa, napahinto siya nang may nakita siyang nakahintong malaking truck sa gitna ng daan kung saan sa harap nito at may nakakumpol na maraming tao.

"Pre? Anong nangyari dun?" kinakabahang tanong ni Doc Matteo sa isang driver ng motor.

"May nasagasaan daw na matanda."

Biglang nanghina ang tuhod ni Doc Matteo nang marinig niya iyon. Biglang naging blanko ang utak niya.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon