CHAPTER 29

15.7K 258 2
                                    

FAKE WEDDING DAY

WEDDING budget, check! Wedding style and color palettes, check! Wedding venue for the ceremony and reception, check! Preliminary guest list, check! Caterer, photographer, videographer, officiants, check! Floral and cake designer, check! Wedding invitations with stationers, check! Gift registry, hotel room blocks for out-of-town guests, dress and suite for the wedding night, check! Bridesmaid/flower girl, check, check, check!

Lahat ng dapat i-prepare, tapos na! Parang instant noodles!  Pero siyempre, hindi si Cindy o Doc Matteo ang nag-organize nun, kundi ang hi-nire nilang wedding planner. Isang araw lang naganap ang lahat ng iyon.

How about the whole cost? The money? Sus! Walang problema 'yun kay Doc Matteo. Ni-hindi nga nagalaw ang bank account niya. Parang coins lang din para sa kanya ang nagastos na mahigit nasa 1.5 million lang naman.

1.5 million. Hindi makapaniwala si Cindy na ganoon ka laki ang magagastos ng PEKENG kasal nila. Minsan, naisip din niya na sana magpakasal na lang sila ni Doc Matteo sa isang LIBRENG KASALANG BAYAN. Okay pa 'yun! Barong lang at putcho-putchong wedding dress ang gagastusin nila na kung tatansyahin ay nasa 450 pesos lang lahat at malayong-malayo sa 1.5 million. Pero, hindi rin naman pwedeng mag-suggest si Cindy since at the first place, hindi naman niya pera ang gagastusin. At isa pa, sini-swelduhan siya rito kaya dapat naka-zip lang ang lips niya all the time. Bawal mag-suggest. Madaling mainis si Doc Matteo. Noted na 'yun sa isip niya.

"Sabi ko na sa'yo e, sana sa kasalang bayan na lang tayo! Tignan mo oh, ang saya-saya nila plus may libre pang freebies galing kay mayor," sabi ni Cindy na ngayon ay nasa loob ng kotse ni Doc Matteo habang nakatingin sa labas kung saan makikita ang mga bagong kasal na nag-aagawan ng plato. Kainan na kasi.

"Tss. Bakit ba ang dami mong sat-sat? Why just can't you be happy? Papakasalan na nga kita, ang dami mo pang rants," emotionless na sabi ni Doc Matteo.

As usual, umusok na naman ang ilong ni Cindy, "Alam mo! Nakakainis ka talaga!" 'yun lang ang sinabi ni Cindy sabay sabunot ng buhok. Badtrip si Cindy. Badtrip siya kasi pakiramdam niya, no-choice siya kundi sambahin ang mga sinasabi ni Doc Matteo.

"Stop pulling your, mas lalo kang pumapanget." Doc Matteo said.

Nainis si Cindy. Nilapitan si Doc Matteo at sinakal. "Alam mo bang ubos na ubos na ang pasensya ko sa kahanginan at panglalait mo!?"

"Hey? Stop it! Are you trying to kill me?"

"Oo, papatayin talaga kitang arogante ka!" sigaw ni Cindy habang sakal-sakal ang napaka-hot na leeg ni Doc Matteo.

Out of Cindy's expectation, bigla siyang na-out of balance papunta sa katawan ni Doc Matteo nang biglang may traffic inforcer ang nagbukas ng pinto ng kotse.

"Ma'am? Sir? Mawalang galang na po? Daan po ito at hindi motel."
Namula naman si Cindy. Itinulak siya ni Doc Matteo.

"She's lusting over me," sabi ni Doc Matteo sa inforcer.

"ANO?" labas ngala-ngalang sigaw ni Cindy, "At bakit naman kita..." nagisip ito saglit, "lusting? Ano nga 'yon?"

"Lusting over. Pinagnanasaan..." Doctor Matteo secretly coached her.

"Pagnanasaan? Baliw ka ba?" mabilis na bawi ni Cindy.

"It's because you like me."

Tumungin si Doc sa mga mata ni Cindy, "And it's quite obvious."

Biglang namula si Cindy at napanganga.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon