CHAPTER 6

24.1K 472 15
                                    

"SAAN tayo pupunta?"  tanong ni Cindy kay Doc Matteo na kasalukuyang nag-d-drive ngayon.

"Please stop asking, ang ingay mo," sagot naman ni Doc Matteo. Uminit ulit ang ulo ni Cindy. Kung wala lang talaga siyang kasalanan, paniguradong nasuntok na niya si Doc Matteo e.

Maya-maya pa, tumunog ang cellphone ni Cindy na nasa loob ng bulsa ng mini-skirt niya.

May nag-text:

Cindy, 14,000 pesos lahat ng bill ni Kristoff. Bayaran mo 'to kasi kung hindi ipapademanda kita.

Biglang nataranta si Cindy matapos niyang basahin ang text message na iyon. Nanay iyon ng ex boyfriend niyang si Kristoff na binuhusan niya ng kumukulong tubig kagabi matapos niyang makita ito na may hubo't-hubad na katabi ang isa pang hubo't-hubad na babae sa kama.

Pakiramdam ni Cindy, maiiyak na naman siya. Naulanan yata siya ngayon ng napakaraming kamalasan.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" naiiyak na tanong ni Cindy kay Doc Matteo.

"Doc Matteo," sagot naman nito.

"Doktor ka?" tanong ni Cindy.

"Embalsamador," sagot ni Doc Matteo.

"ANO BA! TINATANONG KITA NG MAAYOS, HINDI MO AKO SINASAGOT NG MATINO!" sigaw ni Cindy.

"Can you shut up? Ang baho ng hininga mo."

"Arrg!" sabi ni Cindy at napasabunot nalang siya ng buhok niya. Maya-maya pa, naiyak  na talaga siya, "Doktor ka 'di ba? Ibig sabihin, marami kang pera," umiiyak na sabi ni Cindy.

"And?"

"Pwede ba akong umutang ng 14,000 pesos?"

Biglang naihinto ni Doc Matteo ang kotse niya, "14,000 pesos? Are you kidding me?"

"Sige na. Babayaran ko naman e. At 'di ba? Kaya mo naman ako papakasalan kasi may mana kang matatanggap sa grandparents mo? Ibig sabihin, mas malaki parin ang benifit mo sa'kin, kaya sige na, pahiramin mo na ako, please?"

"Teka? Anong pinagsasabi mong mana?" naguguluhang sabi ni Doc Matteo.

"Mana! 'Di ba papakasalan mo ako dahil sa mana?"

"Baliw. What are you thinking? Nasa korean novela tayo? Tss,! napangisi si Doc Matteo, "The reason on why I'm marrying you is just to fulfill my grandpa's wish to see me having a wedding together with a fiancé. And if you're going to talk about 'mana'? Tss. My grandparents will just going to give all their properties to the poor. Walang magiging akin."

"You mean, ipapamigay lang nila?"

"Yes."

"Naka-shabu ba ang grandparents mo?" tanong ni Cindy. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Doc Matteo.

"Manghihiram ka ng 14,000 'di ba?" tanong ni Doc Matteo.

"Papahiramin mo ako?" tanong ni Cindy at nakita niyang nagsulat si Doc Matteo ng 14,000 sa isang tseke.

"Just make sure na gagawin mo ang lahat ng iuutos ko," Doc Matteo emotionlessly said at ibinigay na nito ang tseke kay Cindy.

"Oo! Oo! Gagawin ko lahat! Bye!" Akmang aalis na sana si Cindy kaso napahinto siya nang biglang magsalita si Doc Matteo.

"Where are you going?"

"Aalis na," Cindy said sabay turo sa pinto ng kotse.

"Do you think I'm fool enough to let you go? Stay in this car at ihahatid kita sa kung saan ka man pupunta," Doc Matteo said at walang nagawa si Cindy kundi mamalagi sa kotse ni Doc Matteo.

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon