CHAPTER 39

18K 256 10
                                    

"SINO ka?" tanong ni Cindy sa kanya na naging dahilan upang gumuho ang mundo ni Doc Matteo.

"Cindy, it's Matteo. Hindi mo ba ako natatandaan?"

"I'm sorry, nagka-amnesia kasi ako. Sorry." sabi ni Cindy at biglang bumigat ang pakiramdam ni Doc Matteo. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nabigla siya sa sinabi ni Cindy. Hindi niya alam kung totoo ba ito o hindi.

Pinanghinaan si Doc Matteo ng loob pero maya-maya pa nanlaki ang mga mata niya ng tumawa si Cindy ng pagkalakas-lakas, "Pffft. Hahaha! Ang epic ng mukha mo! Hahaha!"

Kumunot ang noo ni Doc Matteo.

"Pero infairness ha? Ang gwapo mo pa rin!" nakangiting sabi ni Cindy matapos siyang tumawa.

Nalito si Doc Matteo, "Wait? So natatandaan mo ako?"

Tinampal naman ni Cindy si Doc Matteo sa balikat nito, "Ano ka ba! Joke lang! Hindi ka naman mabiro." sabi naman ni Cindy. Natawa silang pareho ni Doc Matteo. 'Yung tawa na parang may something?

"Pambihira ka. So how are you?" tanong ni Doc Matteo kay Cindy. Nakangiti.

Nag-shrug si Cindy ng balikat, "Okay naman. May stable na akong trabaho. Masaya. Ikaw?" tanong ni Cindy.

"Mabuti naman din. Masaya kahit na na-mi-miss kita." sabi ni Doc Matteo na siyang ikinamula ni Cindy.

Maya-maya pa, hindi na talaga nakatiis si Doc Matteo at niyakap na niya si Cindy sa ikalawang pagkakataon. "Is it mysterious that I met you again in the same place and in the same situation?"

Napangiti si Cindy at napaiyak, "Sobrang misteryoso."

For five months Cindy's really waiting for this moment to come. Palagi siyang dumadaan sa kalsadang ito. Ang mismong kalsadang pinapaligiran ng matatayog ng building. At kalsadang nasa gitna ng syudad sa malamig na gabi. Ang mismong kalsada kung saan sila unang nagkatagpo ni Doc Matteo. She's hoping that one day, magkakatagpo ulit ang landas nila at sa pagkakataong ito, nangyari nga.

"So should we start again?" tanong ni Doc Matteo habang nakayakap kay Cindy.

"Bakit pa tayo magsisimula ulit kung pwede naman nating ituloy ang nasimulan natin dati?" Cindy said at napakalas naman si Doc Matteo sa pagkakayakap sa kanya.

Ngumiti si Doc Matteo. Napaiyak siyang tinignan si Cindy sa mga mata at maya-maya pa ay hinalikan niya si Cindy sa mga labi nito.

Cindy's starting to close her eyes with full of tears. Tears of happiness.

Maya-maya pa ay biglang nagpalakpakan ang mga taong nakapaligid sa kanila. 'Yung iba naiyak pa talaga...

Sa totoong buhay, aminin man natin o hindi, marami ang naniniwala sa Luck.

For sure, isa ka na dun reader.

Kaya mo nga sinasabing 'Good Luck' 'diba?

Kasi naniniwala ka sa Luck.

Well, wala namang problema 'dun.

Pero alam mo kung saan ka dapat mas naniniwala?

Sa, perfect timing.

'Yung tipong akala mo hindi na mangyayari ang isang bagay na hinihiling mo at pakiramdam mo, nawawalan ka na ng pag-asa. But one day, sa isang hindi mo inaasahang panahon na hindi mo alam kung kailan, mangyayari na lang bigla ang mga bagay na dati mong iniyakan... na akala mo hindi na mangyayari.

And just like this day, Cindy Meets Mattteo for the second time na akala niyang hindi na mangyayari pa.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon