CHAPTER 18

16.8K 312 5
                                    

"FAKE wedding ?" kunot noong tanong ni Grandma kay Doc Matteo.

Yumuko si Doc Matteo, nag-ipon ng lakas ng loob at matapos ang mahabang katahimikan ay nagsalita na siya, "Yes Grandma, it will be a fake wedding. Cindy and I don't have a relationship. Bago ko siya ipakilala sa inyo, I was supposed to introduce you Steffany, my real girlfriend. Kaso, nag-break kami. That's why ipinakilala ko sa----"

Hindi pa natatapos si Doc Matteo sa pagsasalita ay bigla siyang sinampal ni Grandma.

He knew it.

He knew that this will happen.

Umiiyak na nagsalita si Grandma, "You were just fooling us? Inuuto mo lang kami ng Grandpa mo? Matteo? Pa'no mo nagawa sa'min 'to? Hindi ka namin pinalaking manloloko! But what had happen? You fooled us."

Ngumisi si Doc Matteo,"I fooled you?" Mataas ang tono ng boses ni Doc Matteo nang sabihin niya 'yun, "Bakit Grandma? Sa tingin n'yo? Bakit ko ginawa 'yun?"

Hindi nakapagsalita si Grandma at natahimik lang.

"Kasi minamadali niyo akong magpakasal. Palagi niyo akong minamadali at dahil sa pagmamadaling 'yun, marami akong pagkakamaling nagawa. Including this one!

"Yes, Grandma. I fooled you. Pero sa tingin mo ba hindi ako nakokonsenysa sa tuwing naiisip kong niloloko ko kayo? I'm doing this for Grandpa! I'm doing this for him because it's his wish at gusto kong tuparin 'yun. And I don't to disappoint him." Doc Matteo said.

Natigilan si Grandma, maya-maya pa naiyak siya.

Sa huling pagkakataon ay tinitigan ni Doc Matteo ang Grandma niya.

Maya-maya pa ay umalis na siya.

Naiwan si Grandma at naitakip nalang niya ang kamay niya sa bibig niya at napahagulhol.

Ang sakit. Ang sakit sakit ng nararamdaman ni Grandma ngayon that all the things that she thought was good for Doc Matteo ay hindi pala. Everything's now bouncing back to her. Unti-unti siyang natauhan sa ginawa niya kay Doc Matteo but on the other side, she was thinking of a certain reason kung bakit nagkakaganito si Doc Matteo ngayon and she was thinking of Cindy. "This is all because of her!" she muttered with anger.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon