CHAPTER 11

19.1K 389 4
                                    

NANG makarating na silang pareho sa condo unit, as usual nagbangayan na naman sila sa mga walang kwentang bagay. Pareho silang natulog ng mainit ang ulo at kinabukasan, pareho silang nagising nang may mag door bell sa pinto ng unit.

Dali-daling tumayo si Cindy papunta sa pintuan. Excited siyang makita kung paano magbukas ng kusa ang pinto.

"Alis." Hinawi ng shirtless na si Doc Matteo ang mukha ni Cindy. "Bastos!" sigaw ni Cindy. Kainis e. Kung makatulak naman ng mukha? Cariño brutal din itong si Doc Matteo minsan e.

Pagbukas ng pinto, agad na bumungad sa parehong mata ni Doc Matteo at Cindy ang grandparents ng binatang doktor.

Napadilat ng mga mata ang grandma ni Doc Matteo ng makita nitong naka-boxers lang si Doc Matteo habang si Cindy naman ay magulong-magulo ang buhok. Uh-oh!

"Did both of you have sex last night?" diretsong tanong ng Grandma ni Doc Matteo sa kanya. Humalhal naman parang aso ang grandpa niya.

"Ofcourse no!" sigaw ni Doc Matteo. Napanganga naman si Cindy.

"Good. You should not have sex until makasal na kayo." Huminga ng malalim si Grandma sabay ayos ng eyeglasses niya, "Ihahabilin ko muna sa'yo ang Grandpa mo for the whole day. May pupuntahan lang ako." tugon niya kay Doc Matteo.

"Sure Grandma. No problem. Sunday ngayon at close ang clinic ko kaya maalagaan ko si Grandpa."

Bago umalis ang grandma ni Doc Matteo, tinignan niya muna si Cindy mula ulo hanggang ingrown nito sabay irap, sabay alis. Ang taray ni Grandma!

"Girlfriend ko! Ang ganda mo! Hehehe!" sabi ng Grandpa ni Doc Matteo sabay yakap kay Cindy at parang bata na tumalon-talon. Napanganga nalang ang dalaga.

***
"Lolo, hindi po ako ang girlfriend mo. Ako po si Cindy. Soon to be wife ng apo niyo. Sige kayo, 'pag tinawag niyo akong girlfriend, baka magalit si Grandma," nakangiting sabi ni Cindy sa Grandpa ni Doc Matteo.

Gumaan bigla ang pakikitungo ni Cindy dito sa kadahilanang naaalala niya ang lolo niya sa grandpa ni Doc Matteo. Natutuwa rin siya kasi kahit may edad na ito, magaling parin itong manamit. Sa totoo nga, naka-jeans ito ngayon with matching polo short na sirado lahat ng botones plus Nike shoes. Bagets na bagets!

"Alam ko! Alam ko. Hehehe. Laro tayo girlfriend ko. Laro tayo," sabi ni Grandpa kay Cindy. Natuwa naman si Cindy at nagpahila lang siya kay Grandpa.

Natuwa naman si Doc Matteo sa nakita niya. First time niyang makita na ganito kasigla ang grandpa niya.

Habang naglalaro ng manyika si Cindy at Grandpa, nagluto naman ng carbonara si Doc Matteo.

"It's done! Let's it!" nakangiting sabi ni Doc Matteo ngayon na tanging apron lang ang tanging suot pantaas. Jeez. Kita abs niya. Gosh.

"Yehey!" parang bata na sabi ni Grandpa.

"Yehey!" parang bata namang sabi ni Cindy.

"Lolo tabi tayo," maluwalhating sabi ni Cindy kay Grandpa.

Umiling-iling si Granpa na parang bata, "Tabihan mo si Matteo. Sige na girlfriend, sige na!" sabi ni Gandpa sabay tulak kay Cindy causing her na mamudmud sa wide chest ni Doc Matteo. Uh-oh!

"Babaeng manyak." bulong ni Doc Matteo. Namula naman si Cindy.

Nagsimula na silang kumain. Awkward si Cindy kasi hindi parin siya maka-get-over sa pagkamudmud ng mukha niya sa chest ni Doc Matteo.

Kumain na sila. Maya-maya pa, napansin ni Granpa na hindi nagkakaimikan si Doc Matteo at si Cindy.

"Apo! Subuan mo si girlfriend ko!"

"P-po?" laking matang sabi ni Doc Matteo na halos mabulunan pa.

"Subuan mo si girlfriend ko!"

"S-sige po, granpa." sabi ni Doc Matteo.

'Tae naman 'to oh! Tsk!' sabi ni Doc Matteo sa isip niya at hinarap siya si Cindy kaso hindi ito makatingin sa kanya.

"Bakit hindi ka makatingin? May feelings ka ba sa'kin?" dagdag ni Doc Matteo na siyang ikinainis ni Cindy. Hindi naman nakapalaf si Cindy since nasa harap lang nila si Grandpa.

Maya-maya pa, sinubuan na ni Doc Matteo si Cindy. Pareho silang namula naging awkward sa isa't-isa.

"Yehey!" sabi naman ni Grandpa na tuwang-tuwa ngayon.

***

"Para na talagang bata si Lolo," sabi ni Cindy habang binabantayan si Lolo sa paglalaro dito sa sa isang playground kasama nung mga bata.

"Yeah. And I would really be guilty if I won't grant his wish," sabi ni Doc Matteo at nakaramdaman naman ng kirot si Cindy sa puso niya. Sa puntong ito, sobra;sobrang guilt na talaga ang naramdaman ni Cindy. Kung hindi lang talaga sila nagkatagpo ni Doc Matteo noong gabing lasing siya, sana okay parin  ang relationship Doc Matteo towards sa ex-girlfriend nito Kung hindi lang sana siya naglasing noong gabing 'yun e 'di sana, hindi humantong ang lahat sa ganito. Pero wala e. Tapos na! All Cindy could do is to pay Doc Matteo by marrying him fakely. Pero sa isang side ng utak ni Cindy, parang may pumipigil sa kanya. Mabuting babae si Cindy at kailanman ay hindi niya nagawang manloko ng tao. Pero ngayon, ilang tao ba ang lolokohin niya sa pagpapakasal nila ni Doc Matteo? Nakaka-guilty.

"Girlfriend, laro tayo." sabi ni Grandpa at hinila niya si Cindy.

"Sige po lolo. Ano pong lalaruin natin?"

"Doon tayo sa bahay-bahayan, gawa tayo ng baby," sabi ni Lolo at awkward lang na natawa si Cindy.

Maya-maya at nagpunta naman sila sa isang fast-foodchain. Kumain ulit si Grandpa ng paborito niyang spaghetti.

"Apo, naiihi ak,." sabi ni Grandpa.

"Sige Grandpa, let's go to the restroom." sabi Doc Matteo at sinamahan naman niya si Grandpa papuntang restroom.

Na-touch naman si Cindy sa ginawa ni Doc Matteo. Hindi niya namalayan, may tumulo na palang luha sa mga mata niya, "Mahal na mahal nga talaga niya si Lolo."

Kahit pa ang gaspang ng ugali ni Doc Matteo, sobrang lambot naman ng puso nito sa pakikitungo niya sa lolo niya. And that made Cindy adore Doc Matteo. More than the looks, more than his hot body, more than his eyes, may kakaibang nakita si Cindy kay Doc Matteo na ngayon lang niya nakita.

And that is the RESPECT and LOVE of Doc Matteo towards his Grandpa. Ilang libong pogi-points ba 'yun? Hmm.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon