"Who you were to me, who I was to you. I haven't figured it out yet."
Dedicated to vanzky22
--
/DASURI/"Bakit tayo pumunta dito?" bulalas ko habang papasok kami sa isang night supermarket. Pagkatapos kasi naming kumain ng hapunan sa isang restaurant. Kinalkad na ko ni Kai papunta rito. Hindi naman nya ko nilingon at nagdire-diretsyo sa loob.
"Walang kalaman-laman ang refrigerator natin sa bahay. Ayoko namang iwanan ako ng asawa ko dahil lang sa ginutom ko sya." sagot ni Kai habang kumukuha ng shopping cart. Tumawa naman ako nang mahina.
"Sabagay, may point ka 'don. Hmm. So, ibig sabihin magsho-shoping tayo ngayon na parang isang tunay na mag-asawa?" biglang nagningning ang mga mata nang maisip ko ang ideyang 'yon. Humawak din ako sa handle ng shopping cart at tumabi sa kanya.
"Mag-asawa na naman talaga tayo." saad nito habang busy sa pagtingin sa mga nakahilerang produkto sa paligid. Kasalukuyan kasi kaming nasa food section ng store. Ano ba 'yan. Kinilig ako bigla. Nararamdaman ko kasing seryosohan na talaga 'to. AS IN FOR REAL. Hihi.
"Hmmm." Luminga-linga ako sa paligid at saka naglakad-lakad. Ayieee. Na-e-excite ako kapag iniisip kong simula sa araw na 'to. Ako na ang bibili ng mga pangangailangan ni Kai. Gaya nung mga nakikita ko sa mga telenobela?
Taas-noo akong papasok sa mga malls at confidence na magagawa kong bilhan ang asawa ko nang gamit na sakto at siguradong magugustuhan nya. Habang iniisa-isa ko ang mga damit ay hindi maiwasang pagtinginan ako ng mga kababaihan sa paligid.
"Sya yung asawa ni Kai diba? Wow. Ang ganda nya pala sa personal."
"Sinabi mo pa. Bakit kaya sya nandito sa mens wear?"
"Ano ka ba. Malamang binibilhan nya nang damit ang asawa nya. Awww."
Magpapanggap akong walang naririnig at patuloy parin sa pagmimili. Hahayaan ko silang hangaan at pagpantasyahan ang aking buhay pamilya. Maingit kayo. HAHA.
"Umm. Miss, meron ba kayong medium size nito?" pagkuha ko sa atensyon ng saleslady. Inabot ko sa kanya ang isang plain white longsleeve. Nagmamadali naman itong lumapit sa'kin.
"Ah' ma'am. Meron po, para po ba sa asawa nyong si Kai?" Ngumiti ako't tumango. "Yes, may dadaluhan kasi syang awarding ceremony. Alam mo na, bilang asawa kailangan kong maging hands-on sa mga susuotin nya. Kahit pa may sarili syang stylish. Mas gusto nya parin daw kasing suotin 'yung mga binili ko para sa kanya. Haha."
"Wow! Ang sweet nyo naman ma'am. Nakakaingit." Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa kaliwang tenga bago ngumiti sa kanya. Ganon talaga. Mas maganda ko sa'yo eh. Charot.
"WAAAH!!!!" napapitlag ako nang biglang sumigaw 'yung sales lady sa harap ko at ibang tao sa paligid namin. "Woah! Bakit ba kayo bigla sumigaw?" tanong ko rito.
Hindi naman 'to makapagsalita at pasalit-salit ang tingin sa'kin at sa bandang likuran ko. Naintriga ko kaya nilingon ko 'yon. Laking-gulat ko nang bigla kong salubungin ng halik sa pisngi nang lalaking kadarating pa lang. Bahagya ko naman syang hinampas, "Ano ka ba. Bakit mo ginawa 'yon. Ang dami kayang nakakita. Atsaka, ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba may taping ka pa?" Pabebe ko kunwari.
Inilagay naman nya ang kanyang kamay sa bewang ko't bumulong. "Oo, kaso namiss ko bigla ang asawa ko kaya minabuti kong puntahan na sya dito. Gusto ko na kasi syang iuwi sa bahay at maghabulan." Sabay papak nito sa tenga ko.
"Ano ba~ hubby naman eh. H'wag dyan nakikiliti ako." Bumababa na kasi 'yung halik nya mula sa tenga papuntang leeg. Nakakahiya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias