“Gusto kong maging isang mabuting ama bago pa man dumating ‘yung batang isisilang mo para alagaan nating dalawa.” - KAI
Dedicated MsMiztHicka31
--
/KAI/“Ano bang ginagawa mo? Para kang ewan.” Saad ko nang mapansin ang mahigpit na pagkapit sa’kin ni Dasuri pagkalabas na pagkalabas namin ng unit. Matapos akong tawagan ng magaling naming kidnapers, inutusan ako nitong lumabas at hintayin ang sasakyang magdadala samin sa kung saan.
“Hindi ka ba natatakot? Paano kung nakasubaybay lang sa’tin ‘yung mga kidnapers? Paano kung naghihintay lang sila ng t’yempo para tumbahin tayo? Bumalik na kasi tayo sa loob hubby, mas safe tayo ‘don.” Pahayag nito habang natatago sa gilid ko. Napakunot tuloy bigla ang noo ko.
“Baliw,” bulalas ko pa. Gumana na naman ang pagiging inosente nya. Tsk.
“Nasa’an na kaya ‘yon? Ang tagal naman ata nila.” kausap ko sa sarili habang lumilinga-linga sa paligid. Patuloy lang sa paglalakad ang mga tao habang kami naman ng asawa ko ay nakatayo lang sa tabi ng kalsada.
Bakit ba wala parin ‘yung sasakyang susundo samin? Naiinip na ko.
“Hoy, hubby,” naulinigan kong tawag sa’kin ni Dasuri. Nilingon ko naman sya. “Bakit?”
Nakakapit parin ‘to sa braso ko habang aligagang palinga-linga sa paligid. “Ano ba talagang hinihintay natin dito? Saka paano nabuksan ‘yung pinto sa unit kanina? Diba nakalock ‘yon?” halata sa mukha nya ang sobrang pagtataka.
I breathe heavily bago sumagot, “Stop asking questions, wala rin naman kasi akong balak sagutin ang mga ‘yon. Basta magtiwala ka lang, hindi tayo mapapahamak.” Hinawakan ko ang kamay nya matapos dumating sa harap namin ang isang limousine. Bumaba ang isa sa mga sakay nito at pinagbuksan kami ng pinto.
“Ohaiyo Gozaimasu, bocchan, ojou-sama. (Good morning, young master, young lady)” yumuko ito sa harap namin bilang paggalang. Namangha naman ako nang makilala kung sino ito.
“Akiyama-san,” bulalas ko pa.
Hinarap nya kami ni Dasuri at saka ngumiti. “Anata o mōichido mite nĩsu, bocchan. (Nice to see you again, young master)” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko rin maitago ang sayang nararamdaman ko. Ilang taon narin ba mula nang huli ko syang makita?
“Watashi mo. Shikashi, naze, anata wa koko ni imasu ka? (Me too. But why are you here?)”
“Watashi wa anata no riyū o oshiete katamukemasu. Dakara, chōdo motomezu ni watashitachi to issho ni kite kudasai. (I can’t tell you the reason. So please, just come with us without asking.)”
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Napansin ko ang pasalit-salit na tingin samin ni Dasuri. “Hubby. Anong pinaguusapan nyo? Nagtatanong ba sya nang direksyon?” bulong pa nya.
“No, pinasasakay nya tayo sa loob.” Sagot ko naman.
“Huh? Ganyan ba ang pampublikong sasakyan nila dito sa Japan? Sosyal.” Komento pa nito. Bahagya naman akong napangiti. “Oo, kaya maupo kana sa loob bago pa tayo maunahan ng iba.”
“Sige, sige.” Nagmamadali naman itong sumunod sa sinabi ko. I followed her and sat beside her. Isinara na nung lalaki ‘yung pinto at saka pinaandar ang sasakyan.
Sa kalagitnaan ng byahe. Napagod na si Dasuri sa pagtingin sa labas ng bintana kaya ako naman ang kinausap nito. “Hubby, bakit wala nang sumasakay? Ang dami kayang pasahero sa paligid.” Umpisa nito.
“Hmm, baka mas gusto nilang magbus or taxi instead of this.” Sagot ko naman.
“Ahh, ganon ba. Sayang naman. Mas maganda kaya dito. Hihi. Oo nga pala, paano ka natutong magjapanese? Pinagaralan nyo ba ‘yon nung trainee pa lang kayo?”
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias