CHP11: The start of war?

1.5K 39 7
                                        

“I can’t change the fact that she’s yours already, but you can’t control my feelings too. The only thing we can do is deal with it.” – L.joe

Dedicated to NorhainaAlilaya
--
/DASURI/

“Fvck! You step on my feet again!” sigaw ni L.joe nang matapakan ko na naman ‘yung paa nya habang nagpa-praktis. “Sorry na. Hindi ko naman sinasadya.”

“Hindi mo sinasadya?! For how many fvcking times?! Damn it! I quit.” Binitawan nya ang kamay ko at saka naupo sa sofa. Minasahe nya ‘yung paa nya habang namimilipit sa sakit.

Nanlumo naman ako bigla, “Hindi ko talaga sinasadya. Ang hirap kasi nung pacross-cross na steps. Hayaan mo gagalingan ko na sa susunod.” Pagdedepensa ko. Ibang-iba naman kasi ‘to sa mga Kpop dance steps na sinasayaw ko. Masyadong mabagal at kailangan talaga ng matinding coordination sa partner.

Napabuga naman ‘to ng hangin sa ere, “Don’t mock at me. You already said that, 10 times an hour ago.” Nangagalaiti nitong pahayag. Lalo naman akong nalungkot.

“Nangako ka diba? Sabi mo kahit anong mangyari hindi mo ko susukuan. Tapos ano? Ngayon tatakas kana? Akala ko pa naman isa kang lalaking may isang salita! Pero sad to say, nagkamali ako.” Kitang-kita kung paano manlisik ang mga mata nya dahil sa sinabi ko. Wala na kong choice, I need to do this para mapasunod sya. Kumbaga kapit na sa patalim ang peg ko.

“Fine, but this is the last time okay? If you messed up again, I’ll leave.” Tumayo ito at muling inilahad ang kamay. Napangiti naman ako dahil ‘don.

“Okay,” then start from the beginning.

“Left right, left right, left right,” dahan-dahan kong pagsunod sa steps.

“Left right, left left, ay hindi, right right Ahhhhh!” dahil sa nagkabuhol-buhol kong mga paa. Natisod ko si L.joe at nadamay sa pagbagsak. Napapikit pa ko dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Pag mulat ng aking mga mata, nakahiga na sya sa sofa habang ako naman ay nakayakap sa kanya. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib. Rinig ko ang mabilis na tibok ng puso nito. Pakiramdam ko mayroon mga kabayo sa loob na nagkakarerahan. Masyadong mabilis ‘yon para sa normal na heartbeat ng tao. Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha at hinarap sya. Nakatingin na rin ito sa akin dahilan para matameme ako.

Bakit ganto sa tuwing tinititigan nya ko, pakiramdam ko, gusto nya talaga ko. Nagha-hallucinate lang ba ko?

--
/KAI/

Pagkarating ko sa tapat ng gate napansin ko agad ang isang motorsiklo sa gilid nito. Base sa disenyo nito, lalaki ang nagmamay-ari ‘non. Bigla kong napaisip.

Lalaki ‘yung kaklaseng tinutukoy ni Dasuri?

Ipinasok ko na ‘yung kotse at ipinark ‘to nang maayos. Sa ganitong pagkakataon, sa tuwing maririnig nya ang tunog ng makina ko lumalabas agad sya ng bahay para salubungin ako. But this time, mukhang may kakaiba ata. Lalo akong nagdududa kung ano bang meron sa loob ng bahay. Lumabas na ko ng kotse at nagdire-diretsyo sa loob.

“Nandito na ko,” bulalas ko pagkasarado ng pinto. Binagalan ko pa ang pagtanggal ng sapatos para tignan kung sasalubungin ba ako ng asawa ko. But still, walang Dasuri ang sumulpot.

Nagdire-diretsyo ako sa sala at napamura sa aking nakita. Halos sumabog ang mga ugat sa aking ulo nang maabutang nakahiga sa sofa ang walangyang kaklase ni Dasuri na si L.joe habang nasa ibabaw naman nya ang asawa ko.

It looks like hindi nila sinasadya ang mapunta sa ganoong posisyon. Pero kahit anong gawin ko, hindi parin ‘yon matanggap ng utak ko. Ang lakas ng loob nyang gumawa ng kalokohan sa mismong pamamahay ko?!

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon