CHAPTER 43: SURPRISE

1.1K 27 7
                                    

"Thank you for giving me another reason to live.."


--

/DASURI/

"Para po! Salamat!" nagmamadali akong umakyat nang bus.

Akala ko talaga ay hindi ko na iyon maabutan pa. Wearing my simple preggy pink dress with matching small pink shoulder bag. May dala-dala rin akong dalawang lunch box kung saan nakalagay ang niluto kong curry para sa amin ng asawa kong si Kai. Akala nya ba papipigil ako sa gusto ko? Pwes! He's wrong.

"Aigoo! Napakaganda mo namang buntis. Ilang buwan na ba iyang dinadala mo?" Napalingon ako sa matandang babae na katabi ko sa upuan ng bus. Nasa tabi sya ng bintana.

"Pitong buwan na po. Hindi lang po gaanong halata kasi maliit po akong mabuntis." Nakangiti kong pahayag habang hinahaplos ang aking tyan.

"Dalawang buwan na lang pala ay lalabas na iyan. Yan ba ang panganay?" usisa nitong muli.

"Eto nga ho,"

"Aba'y saan ka ba pupunta't mukhang wala kang kasama? Sa kalagayan mong iyan ay hindi ka dapat naglalabas nang mag-isa. Nasa'an ba ang asawa mo?" bakas sa mukha ng matanda ang pagaalala.

"Ayos lang naman po ako, kaya ko pa po naman. Atsaka, pupuntahan ko nga po 'yunga asawa ko e kaya ko nakaayos ng ganito. Dadalhan ko sya ng tanghalian para sabay kaming kumain." Ipinakita ko pa ang hawak-hawak kong lunch box.

"Kung gayo'y mag-iingat ka na lang iha. Sa mga panahon kasing ganyan dapat ay lagi kang may kasama. Oh sya, ako'y bababa na." tumayo si lola at naglakad na pababa ng bus. Hindi naman nagtagal ay may mga umakyat pang mga pasehero. Tatlong kababaihan na nakasuot ng business attire. Mga empleyado siguro sila ng isang malaking kumpanya.

"Did you heard the news? Kahapon daw 'yung first day ng bago nating President?" umusod ako sa tabi nang bintana para may maupuan man lang kahit 'yung isa sa kanila. Pero kahit ganon pinili parin 'nung tatlo na tumayo na lang. Ayaw ba nila ko katabi?

"And guess what? Ang bali-balita ay napaka-gwapo daw talaga," hindi ko maiwasan na makinig sa usapan nila.

"At eto pa, hindi lang daw iyon anak mayaman. Akalain nyong isa daw iyong sikat na idol? Mas pinili nyang patakbuhin muna ang kumpanya nila at naglie-low sa pagaarista." Teka nga, hindi naman siguro si Kai 'yung tinutukoy nila 'no? Sinubukan kong sulyapan yung isa sa kanila. Naglabas ito ng face powder at saka nag-ayos.

"Ibig sabihin hot nga talaga!! Gosh, I can't wait to see him na. Swerte ko siguro kung matipuhan ako ni Sir, Akalain mo 'yon, Mayaman na, gwapo at talented pa. Total package!!"

"Gaga! Buti sana kung patulan ka 'non. Baka nga may girlfriend na 'yon. Or worst, may asawa na."

"Makakatanggi ba sya sa alindog ko? Haha." Sabay tawanan nang tatlo. Napailing na lang ako sabay ayos ng upo. Dahil sa mga kagaya nila kaya gusto kong maging secretary ni Kai e. Meron at meron talagang mga ahas sa paligid dapat lang na maging maingat.

"Pero kung talagang may maswerte sa atin. Si Ms. Jung 'yon, akalain mong sya pa ang napiling secretary? At kung meron mang matitipuhan si Sir sya na 'yon. Maganda na matalino pa. Tapos lagi pa silang magkakasama. Haaaaay. Sana ako na lang sya."

"You wish! Tara na nga, late na tayo. Lagot naman tayo kay Sir. Song nito e." nagmamadaling bumaba 'yung tatlo. Sinundan ko naman sila nang titig hanggang sa mapansin kong dapat na rin pala akong bumaba.

"Hala, Manong! Saglit! May bababa pa," nagmamadali akong tumayo at naglakad palabas ng bus. "Salamat po! Pasensya na sa abala," Muntik na 'yon! Kakapakinig ko sa usapan nung tatlong babae muntik pa kong lumagpas. Chismosa ko kasi e. haha.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon