CHP4: L.JOE and HYENA

2.2K 58 24
                                    


“Ang Love parang Pulbos, ikaw ang may-ari pero ang daming nakikihati at una na ‘don ang MALALANDI.” – LOVE QUOTES (Relate Matss ? XD)

Dedicated to Mysteriousredchick
--
/DASURI/

“Y-Yah! Anong ginagawa mo?” I asked shockingly nang biglang ilapit nung lalaki ‘yung mukha nya sa’kin. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong posisyon. Basta bigla na lang syang lumapit sa’kin habang nag-i-introduce.

Nakadrugs ba ‘to?

Luminga-linga pa ko para sumenyas nang tulong sa mga kaklase ko, kaso mukhang nae-enjoy pa nila ‘yung view eh. Waaah! Hubby. Help. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki at nakita ko ang pag ngiti nito.

Infairness… gwapo sya.

“My name is L.joe. Nice too see you again……Dasuri.” Eh? K-Kilala nya ko?

“Kilala mo ko?” tanong ko pa habang nakikipagtitigan sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha nya, pero kahit anong isip ang gawin ko, I can’t remember na nagkita na kami before. Except ‘yung sa bus kahapon.

Mukhang magsasalita na sana sya ulit nang maramdaman namin ang presensya ng aming professor. Tumayo ito sa bandang kaliwa ko, “Itigil nyo na ang kalokohan na ‘to. Kung may balak kayong magligawan, h’wag sa klase ko.”

Sinulyapan muna sya saglit ‘nung L.joe ‘daw’ bago ‘to umayos nang tayo. Bahagya ko namang iniiwas ang tingin ko. Ano ba ‘yan, lalo kong mamumuro kay Miss. Soo nito eh. Lagi na nga nya kong napapagalitan dahil sa pagiging late tapos nadamay pa ko sa kalokohan ng psycho na ‘to. Arrgh. Kung sinuswerte ka talaga.

“Mr. Lee, I don’t know what is your connection to Ms. Kim, pero hindi tamang gumawa ka nang eksena sa unang araw pa lang ng paglipat mo rito. Maghanap ka na nang bakanteng upuan at maupo.” Mukhang hindi naman tinablan ‘yung lalaki sa sermon. Nakapoker face lang kasi ‘to hanggang sa makaupo sa upuan sa likod ng nasa kaliwa ko. Umalis na si ma’am sa pwesto nya at nagpunta sa unahan.

Pasimple ko namang sinilip muli ‘yung lalaki, may suot syang black-leather jacket at white t-shirt sa loob. Meron pang mga design na stars sa kuwelyo nito. And black fitted jeans na pinatneran ng cool na sapatos. Well, to make it short, masasabi kong he looks like a bad boy type. Sa pamamaraan ng pananamit nya, pagkilos at pati na ‘yung kulay ng buhok, blonde hair with a touch of pink.

“Nakakatakot sya,” bulong ko pa.

Ibabalik ko na sana ‘yung atensyon ko sa unahan nang mapadako naman ang tingin ko sa babae sa kaliwa ko, ‘yung nasa unahan ‘nung bad boy. She is Im Sora, ang mahinhin at matalino kong kaibigan.

 She is Im Sora, ang mahinhin at matalino kong kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Magkakilala kayo?” she mouthed to me. Umiling-iling naman ako. “Hindi ‘no!” pagtangi ko. Never akong nakipagfriend sa gangster ‘no. Takot ko lang.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon