"Takte! Balak ba nilang ilayo sa'kin ang asawa ko?" - KAI
- -
/DASURI/*WORDLWIDE GROUP EXO HOLD PRESS CON. BEFORE THEIR HIATUS*
Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko. Wala ni isa sa amin nila mama ang nagsasalita. Nakatutok ang atensyon ko sa screen ng tv habang nakatayo roon ang grupo ng asawa ko. Naroon sya sa gitna habang hindi natatapos ang pagflash ng camera. Makikita mo rin dito ang mga fans na nagiiyakan at gulat na gulat.
T-Teka, Seryoso ba 'to?
Muli namang bumalik sa alaala ko ang mga katagang binitiwan ni Kai kanina.
"Don't worry, This will be the last time." so that was a sign?
Natanggal ang atensyon ko sa tv nang biglang tumunog 'yung cellphone sa aking bulsa. Tuliro akong kinuha 'yon at nabasa ang pangalan ni Soyeon sa screen. Sinagot ko iyon at isang malakas na sigaw ang bumungad sa'kin.
"DASURI KIMMMMMM!!!!!!" Bahagya kong inilayo 'yung phone sa tenga ko.
"Grabe ka naman. Minsan ka na nga lang tumawag sa'kin. Naninigaw pa." reklamo ko rito.
"Excuse me? Ikaw pa talaga ang may ganang maggalit-galitan sa'kin?! Sa ilang taon nating magkaibigan. How dare you? Paano mo nagawang itago sa'kin ang planong maghiatus muna ng Exo? I hate you for keeping it as a secret!" Daig pa ni Soyeon sa pagbubunganga ang mama ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako binungangaan nang ganito. Muli kong inilayo 'yung phone sa aking tenga. Natotorete talaga ko sa sunod-sunod na pagsasalita nito.
"My gosh Soyeon! Kalma lang pwede? Kahit naman ako nagulat sa balitang pagya-hiatus ng Exo." I took a deep breath. "Akala mo ba gusto ko 'to? Naguguluhan nga din ako e. Bakit bigla nilang ginawa 'to? Wala naman nang issue diba?"
"Um. Yeah? Wala ding nabanggit si Chen sa'kin about this e." Pahayag ni Soyeon na halatang dismayado sa mga nangyayari.
Kinuha ko 'yung remote sa sofa at bahagyang nilakasan ang volume ng tv. Itinuon ko roon ang atensyon ko nang mapansing magsasalita na si Suho. Nakakagulat kasi kumpleto silang labing-dalawa ngayon. Madalas kasi nasa China ang Exo-m.
"Una sa lahat, we would like to thank all the fans, the press and everyone who gave their time not only to support but love each of the member. We, the Exo members are so geatful to have you from the start. Simula nang magdebut kami as different group, Exo-M and Exo-K, until we became one. Naramdaman namin ang lubos nyong pagmamahal. However.. as one of the leader of the group.." Suho pause for a while and took a deep breathe.
Samantalang tahimik naman ang lahat ng taong nakikinig sa kanya. Nasa bahay man ang mga ito o nasa mismong harapan nila.
"Gusto naming ipaalam sa lahat ang susunod na tatahaking landas ng aming grupo. We decided to have a hiatus as a group and pursue our individual activities as an artist. The 4 chinese members will go back to China and do their different project na nakaline-up para sa kanila. Si Xiumin at ako ay papasok sa military. Samantalang sina D.O, Sehun at Chanyeol ay ipagpapatuloy ang kanilang acting career and do some drama. Baekhyun and Chen will release their own song. While Kai.." I dunno pero parang kinakabahan akong marinig ang dahilan ni Kai.
"He decided to focus on his private life. He wants to take care of his wife and their future baby.."
Nagkaroon ng iba't-ibang reaksyon ang mga fans na naroroon. Marami ang nabigla at natuwa pero may roon din namang mga nadismaya sa narinig. Nabitawan ko 'yung phone ko dahil sa pagkabigla. Narinig ko pa ang boses ni Soyeon bago 'yon tuluyang bumagsak sa sofa. Nagkatitigan kami ni mama na parehong hindi makapaniwala sa narinig.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias