"Dumating na 'yung prinsipeng matagal na hinintay ng prinsesang nakakulong sa kastilo. Kaso ang plot twist ng kwento imbes na magkaroon sila ng happy ending, nagkaroon ng bagong bidang babae?" - ALLAN
--
/DASURI/Hindi ko maiwasang mamangha kung gaano kalaki at kaganda ang bahay na pinasukan namin ni Kai. Mula sa hagdan nito, hanggang sa mga gamit at detalye sa paligid ay maiisip mong nasa isa kang palasyo. Nakakapagtaka lang na, mag-isa ang lola ni Kai na naninirahan dito. Para yatang ang lungkot 'non?
Bahagyang napanatag ang loob ko dahil sa pagkakahawak ni Kai sa kamay ko. Eto rin ang unang pagkakataon na naghawak muli kami ng kamay mula nang magkaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan namin. Ngunit di ko rin maiwasan ang kabahan sa tuwing mapapatingin ako sa lola nya. Nakaupo na ito sa sala habang hawak-hawak ang tungkod nya.
"Mabuti pa'y ipasok nyo muna sa kwarto sa taas ang mga dalahin nyo. Magpapaluto ako nang pagkain upang makakain na tayo ng tanghalian." Pahayag nito habang unti-unting tumatayo. Pinagmamasdan ko lang ito. Kahit matanda na, mababakas mo parin talaga ang kagandahan sa mukha nya. Halatang isa syang sopistikadang babae noong kabataan nya.
"Sige ho La, aakyat na kami ng asawa ko."
"Sandali Kai, hindi ba tayo magbibigay galang sa kanya? Alam mo na 'yung tipikal na dapat nating gawin? Yumuko sa harap nya para basbasan ang pagpapakasal natin?" Pigil ko rito. Baka kasi magalit yung lola nya pag di namin ginawa 'yon.
"Nah, di na kailangan 'yon. Hindi trip ni lola ang mga ganong bagay. And besides, sya na rin naman nagsabi na umakyat na tayo. Wag ka nang tumutol baka talagang magalit sya sa'yo." banta pa nito sa'kin, kaya kahit nagdadalawang isip ay hinayaan ko na lang si Kai na hilahin ako paakyat ng hagdan. Dala-dala nito ang maleta nya habang hawak-hawak naman ang kamay ko sa kabila. Sobrang ingat ng mga kilos ko, ayoko kasing mapagsabihan ng lola nya na ang gaslaw kong kumilos. Tsk.
"Woah! Ang kyut naman ng kwartong 'to at ang ganda ng kama." Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Kai at nagmamadaling tumalon sa kama. Napakalambot kasi nito kaya ang hindi ko maiwasang magtatalon-talon rito.
Kumunot naman ang noo ni Kai nang makita ang ginagawa ko, "Stop it Dasuri, baka nakakalimutan mong buntis ka." Pangaral agad nito.
Napahinto naman ako sa aking ginagawa sabay pout, "Oo na po, Tsk. sungit."
Dahil Kj ang asawa ko, nilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid. Inusisa ko 'yung mga bagay-bagay sa kwarto.
"Woah! Sa'yo lahat ng to?! Ang talino mo pala." bulalas ko habang hawak-hawak ang mga medalyang nakasabit sa pader.
Nilingon naman ako ni Kai sabay smirked, "Yeah, compared to you? I'm a genius." sagot nya habang inaayos ang gamit ko. I rolled my eyes ng marinig ang sinabi nya.
"Mayabang ka mo." Bulong ko sabay tuon ng atensyon sa mga frame sa gilid. Meron kasi roong mga larawan ni Kai noong bata pa sya kasama ang pamilya nya. Kinuha ko 'yon at ngumiti ng wagas.
"Aigoo! Ang kyut kyut mo naman dito. Para kang anghel. Ang bait-bait tignan. Hehe."
"Wala parin naman nagbago ah? I'm still cute like before. Nagdagdagan lang siguro ng pagiging gwapo." He grins on me.
"Kapal! Nuknukan kamo ng kayabangan. Tss." Kai laughed. Pagkatapos nyang ayusin 'yung gamit ko. Lumapit sya sa'kin at naupo malapit sa pwesto ko.
Bahagya pa nitong idinikit ang mukha nya sa mukha ko, "Bakit, hindi ba? Gwapo naman ako, right?"
I gulped when I smell his breath. Grabe, may kakaiba na namang nangyayari sa katawan ko. Hormones tigilan mo ko.
"Kwarto mo ba 'to nung bata ka? Ganda e." Pagiiba ko sa topic. Iniiwas ko pa ang tingin sa kanya dahil kanina pa 'to nakatitig sa'kin. Parang mangangain ng buhay e.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias