Prologue

28.4K 436 5
                                    

Three years ago...

*

*

*

Patakbo akong pumasok sa loob ng airport para matakasan sina Mama at Papa.

Alam ko,isang minuto lang ang pwedeng ikatagal ko dito ay maaaring hindi na matutuloy ang pag-alis ko papuntang France.

Pipigilan nila ako!

Ayaw nila akong paalisin!

Reason?

Pinipilit ako ni Papa na ipapakasal sa kanyang matalik na kaibigan!

For heaven's sake!

Bakit ko sasayangin ang kagandahan at kaseksihan ko para lamang magpatali sa isang matanda na kasing-edad na ng aking Papa?

Binilisan ko pa ang pagtakbo nang-

*bogsh*

Tumilapon ang dala kong handbag dahil sa lakas ng pwersa ng isang taong nakabangga ko.

"I'm sorry po!I'm sorry!!"

Hinging paumanhin ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Miss!yung larawan mo naiwan-"

Hindi ko na binigyan pa ng pansin ang kanyang sinabi dahil mabilis na akong kumaripas ng takbo.

Pero isa lamang ang nag-sink-in sa aking utak..

Napaka-manly ng kanyang boses..

Kung mayroon man akong pinagsisihan sa araw na'to..

Yun ay..kung bakit hindi ko tinapunan ng tingin ang matangkad na lalaki na nakabangga ko while ago.

Sing-ganda din kaya ng kanyang boses ang kanyang hitsura?

Eh ano naman kung isa syang..

Tall,dark and handsome?

May oras pa ba ako para bigyan sya ng pansin?

Pero wait...

Paano kung sya pala ang nakatadhana para sa akin?

Paano kung sya ang magiging dahilan para tuluyan ko ng matakasan ang nakakabaliw na disisyon ng aking ama?

Dahil sa naisip ay nag-slow motion akong lumingon.

Kaya lang sa paglingon ko ay nakakalula ang mga tao na nakikita ko dahil sa dami.

Sino kaya sya sa mga iyon?

Laglag ang balikat na itinuloy ko nalang ang paghakbang papunta sa counter.

Kung sino man sya..

Sana muling magkrus ang aming landas.

At pinapangako ko,kapag darating ang araw na yun,?

Hinding-hindi ko na sya pakakawalan pa!

☆☆☆

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now