Chapter 43

11.5K 280 3
                                    

Nagpasalamat ako dahil pareho kaming abala ni EJ sa trabaho ngayong araw.

Nagkamustahan lang naman kami kanina at nagkaroon lang kami ng mahabang kwentuhan noong nasa loob kami ng kanyang kotse.

Tinanong pa nga nya ako kung gusto kong maging modelo kaya lang tumanggi ako.Nakapanghihinayang daw kasi sa mga panahon na wala ako ay ibat-ibang modelling company ang tumawag kay EJ para itanong nila ang tungkol sa akin.

Eh,sa hindi ko naman pinangarap na maging modelo!

*

*

*

Matapos kong iligpit ang mga gamit ko ay kaagad ko ng kinuha ang atensyon ni EJ.Pakiramdam ko ay wala pa kasi syang balak umuwi eh!

"EJ,oras na ng uwian...ihatid mo na ako.."

"Naku girl!pasensya kana at hindi kita maihahatid ngayon...may tumawag na kliyente kasi kanina at sinabi nyang magkakaroon kami ng meeting around 5pm...so,alam mo naman na hindi ako pwedeng ma-late..."

Tumango nalang ako bago marahang tumayo.

"Ah ganon ba?okay sige,don't worry..magta-taxi nalang ako pauwi,sige mauuna na ako!"

Nagpaalam na din ako sa iba ko pang kasamahan bago ako tuluyang  lumabas.

Kakawayan ko na sana ang taxi na paparating nang bigla akong matigilan.Bigla nalang kasing may pumarada na sasakyan sa may tapat ko.

Binundol ng kaba ang aking dibdib nang biglang bumaba ang may-ari nun at mabilis na umikot para pagbuksan ako sa may passenger's seat.

"Zev,anong ginagawa mo dito?"Taranta kong tanong.

"Sinusundo ka...sakay na,sabay na tayong umuwi."

Napahigpit ang aking  kamay mula sa pagkakahawak ko sa aking handbag.

Shit!bakit ba kasi hindi ko maawat-awat itong kaba na nagwawala sa loob ng aking dibdib?

Masaya ako...at hindi ko ipagkakaila iyon.Kasi ang akala ko ay tuluyan na akong iiwasan ni Zev tulad nung sinabi nya sa akin week's ago.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang pumasok sa loob at malayang naupo sa may passenger's seat.

Pinakiramdaman ko si Zev nang tuluyan na syang pumwesto sa driver's seat.Hindi ko alam kung paano ko sya i-approach.

Bakit ba kasi napaka-awkward?kung iisipin...pwede naman akong umakto na hindi nakakaramdam ng hiya sa harapan nya.

Ano pa nga ba ang pwede kong ikahiya kung wala naman akong pwedeng itatago sa kanya?

For heaven's sake!buong katawan ko ay nasuyod na ng kanyang mga labi noong nasa isolated island kami!

"Kamusta kana/How are you?"

Napakagat ako sa aking labi nang bigla pa kaming sabay magsalita.

"Mauna kana/You first!"

Tuluyan na akong napangiti bago napailing nang muli kaming magkasabay sa pagsasalita.

Napakislot ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang palad sa ibabaw ng aking kamay at marahan nya itong dinala sa kanyang labi para kintalan ng pinong halik.

"I miss you..."

Napaawang ang aking labi nang marinig ko ang kanyang pagsambit sa katagang iyon.

Inaasahan kong mayroon pa syang sasabihin pero hanggang sa paandarin na nya ang sasakyan ay hindi na sya nagsalita ulit.

"Zev,yung kamay ko...baka kasi mahihirapan ka sa pagda-drive..."

Dealing with my Husband's NephewDonde viven las historias. Descúbrelo ahora