Chapter 28

10.1K 273 3
                                    

Zev's POV

Marahan kong ini-lock ang pintuan ng aking kwarto bago ko isinalang sa DVD player ang video CD na binigay sa akin ni Attorney Reyes kanina.

May kinalaman daw ito sa fourth conditions..kaya sa ayaw man at sa gusto ko ay kailangan ko talagang panoorin kung ano ang nilalaman ng video na ito.

Maliban sa video CD ay mayroon ding ibinigay na kakaibang key si Attorney sa akin na hawak-hawak ko pa din hanggang ngayon.

Puno ng curiosity ang aking kalooban..

Ano kaya ang nilalaman ng CD na yan?

At para saan kaya itong susi na hawak ko?

Pumwesto ako sa mahabang couch habang inaantay ang pag-play ng flat screen tv sa aking kwarto.

"Yvan..."

Dumagundong ang malakas na kaba na nagmumula sa aking dibdib nang marinig ko ang pagtawag ni Tito Marcio sa aking pangalan.

It's been ages since i heard those voice..

Yvan...

Si Tito Marcio lamang ang tumatawag sa second name ko..

Kaya hwag na kayong magtaka kung bakit Sir Yvan ang tawag ni Carla sa akin instead of Sir Zev.

The reason behind that...yun kasi ang lagi nyang naririnig na itinatawag ni Tito Marcio sa akin.

"I'm glad kung umabot kana sa puntong ito kung kailan pinapanood mo na ako sa mga oras na ito..that only means,nalampasan mo na ang mga naunang kondisyon na inilathala ko para sa inyo.."

Nag-zoom in ang aking paningin sa screen ng tv.

Nakita kong nag-appear doon si Tito Marcio..

Nakaupo sya sa ibabaw ng kanyang kama habang nakasandal sa headboard ng kama ang kanyang likod.

Payat si Tito at maputla...ibang-iba sa Don Marcio na tinikis ko many years ago.

Napalunok ako ng mariin...realizing for what i have done to him...for giving him an heartache all those time!

"Since noong ipinanganak ka ng iyong Mama hanggang sa lumaki kana at nagkaisip...nagbi-binata at hanggang sa dumating sa sukdulan na kung kailan bigla nalang lumayo ang kalooban mo sa akin...you always be,my favorite!"

Naalala ko ang mga panahon na kung saan mas close ako kay Tito Marcio kaysa sa sarili kong mga magulang.

Kung tutuusin mas marami pa nga ang pagkakaroon namin ng bonding ni Tito kaysa kay Papa eh!

"Yvan,I'm sorry!nagkulang ba ako?hindi ko ba naibigay sa'yo ang lahat ng nanaisin mo noong magkasundo pa tayo?"

Bakit ko nga ba nakalimutan ang lahat ng iyon?

Kay Tito ako laging naglalambing...alam nyo ba kung bakit?dahil isang salita ko lang ay wala na akong maririnig na pero-pero galing sa kanya.

But with my own Dad?andami pang kailangang i-explain bago ko makuha ang sagot nya.

Pero bakit ko itinanim sa aking puso't-isipan na isa syang makasarili?

"I'm sorry kung wala ako sa panahon na kailangang-kailangan mo ako..."

Naikuyom ko ang aking mga kamao..

"I'm sorry kung inisip mo na ako ang naging dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo..."

Dinampot ko ang remote control at-

"I'm sorry kung nagkasagutan kami ng Mama mo...Yvan,mali ba ang mahalin kita at itinuring na parang totoo kong anak?she's so selfish!para ilayo ka nya sa akin...since she knew already na wala akong pamilya!walang asawa at walang anak!"

Muli kong nabitawan ang hawak na remote control at nalaglag iyon sa sahig.

"Kanino ko ipagkakatiwala ang mga kayamanan at ari-arian na sinimulan ng Lolo mo kung ipagkait ka ng iyong Mama sa akin?"

Biglang umulap ang aking mga mata dahil sa numumuong luha mula roon.

"Yvan,bago pa naganap ang aksidente ay nagkasagutan kami ng iyong Mama sa phone...nagmakaawa ako sa kanya na kailangan kita dahil bawat araw ay lalong lumalala ang aking karamdaman.."

Ito yung tagpo na narinig ko..yung maiinit na pag-uusap nina Mama at Tito Marcio sa phone.

"I'm sorry kung pinangunahan kita sa pagdisisyon sa buhay mo..ito ang labis na ikinagalit ng iyong Mama sa akin..at alam kong labag din ito sa kalooban mo."

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin dito.

"Yvan,nailipat ko na sa iyong pangalan ang lahat ng ari-arian na pag-aari ng ating pamilya.Lahat ng kayamanan ay nakapangalan na sa'yo...kaya wala ka ng dapat na ipag-alala pa."

Tuluyan ng kumawala ang numumuong luha na kanina ko pa pinipigilan.

Binalot ng matinding konsensya ang aking puso..

"Pero may isang bagay ako na hihilingin sa'yo...nasa sa'yo na ang disisyon kung matatanggap mo ito,ngayon palang ay hinihingi ko na ang kapatawaran mo Zev Yvan Zallera...inihanda ko na ang aking sarili sa mga malulutong na mura na igagawad mo sa akin kung sakali,pero bago ang lahat...I'm sorry ulit,at paulit-ulit kong sasabihin iyan hanggang sa mapatawad mo ako.."

Naguguluhan ako sa part na'to...

Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni Tito Marcio?

"Nagtataka ka ba kung bakit may ibinigay na susi si Attorney Reyes sa'yo?angatin mo ang iyong higaan at sa ilalim nun ay mayroon kang makikita na blue box.Pero hwag mo munang buksan ang blue box na yan hanggat wala ka pang nakukuhang go signal mula kay Attorney Reyes.Zev Yvan,may connection sa panghuling kondisyon ang blue box na yan kaya hwag mong pangunahan!no cheating okay?dahil dyan nakalagay ang HIDDEN SECRET!"

*

*

*

Marahan kong inangat ang aking higaan at gayon na lamang ang pagbalot ng matinding kaba sa aking dibdib nang mabungaran ang di kalakihang blue box sa ilalim ng aking kama.

Wala akong kamalay-malay na nasa ilalim ko lang pala ang Hidden Secret na ito!

Hawak ko sa aking kamay ang susi habang nakatitig parin ako sa blue box.

Nagtatalo ang aking isipan..

No cheating Zev!no cheating!

May connection daw ito sa panghuling kondisyon...

But damn it!

Makakatulog ba ako ng mahimbing nito habang hinihintay ang go signal ni Attorney Reyes?

*

*

*

Magaan ang pakiramdam nang magising ako kinabukasan.

It's too early to woke up pero bakit ba?

Excited lang ako..

At masaya ako..

Pagkatapos kong maligo ay napagpasyahan ko na hindi muna ako magbihis ng business suit.

Masyado pang maaga para magbihis..

Katahimikan ng buong bahay ang bumungad sa akin nang lumabas ako mula sa aking kwarto.

Marahil tulog pa yung dalawa.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng kusina..

Buong buhay ko ay hindi ko pa naramdaman ang ganitong kaligayahan..

Bakit ba?

Eh sa masaya lang talaga ako!

☆☆☆

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now