Chapter 12

10.8K 307 9
                                    

Zev's POV

Napapailing nalang ako habang nakatitig sa likod ng pintuan matapos itong isara ni Yezza ng malakas.

Kapag laging ganito ang ugali ng babaeng iyon ay talagang mawawalan ng pintuan itong silid ko.

Pero teka...

Gustong-gusto ko kapag nakikita kong naiinis si Yezza.

Bigla na naman akong napangisi nang may pumasok na idea sa aking utak.

Pinindot ko ang intercom at-

"May kailangan po ba kayo Sir Yvan?"

"Si Yezza nasaan?"Tanong ko kay Carla.

"Nandito gumagawa ng almusal nya!"

"Okay...ipagpatuloy mo nalang yang ginagawa nya Carla at sabihin mo sa kanya na umakyat sa silid ko ngayon din!"

"ANO NA NAMAN BA ANG PROBLEMA MO ZEV YVAN!?"

Nailayo ko ang aking mukha mula sa harapan ng intercom nang malakas na bulyaw ni Yezza ang bumungad sa akin.

"Ibaba mo na ulit yung breakfast ko dahil biglang nagbago yung isip ko...gusto ko sa living room kakain.."

"ANO!?MAY SILBI PA BA YANG MATITIGAS MONG BRASO KUNG PATI TRAY NG ALMUSAL MO AY HINDI MO NA KAYANG BITBITIN?"

"So,naaakit kana ba sa matitigas kong braso,Yezza Montana?"

"ANG IBIG KONG SABIHIN IKAW NA ANG PINAKA-MATAMARING TAO NA NAKILALA KO SA BALAT NG LUPA!"

"Fine!aminin mo nalang sa akin na attracted ka sa muscles ko at hinding-hindi na kita papaakyatin pa dito.."

"LEAVE IT THERE!!AT KUKUNIN KO NA NGAYON DIN PARA MAIHATID KO SA LIVING ROOM!!"

*toot*toot*

Aba!mas pipiliin pa nya na magpakapagod kaysa bigkasin ang simpleng words na yun?

Okay!you will see Yezza...pagod talaga ang hinahanap mo ha?hwag na hwag kang magrereklamo sa gagawin ko!

Nagkasalubong kami ni Yezza sa may hagdan nang pababa na ako para pumunta sa living room.

Tinapunan ko sya ng mapang-asar na tingin pero tanging irap lang ang nakuha kong kapalit mula sa kanya.

Napangiti nalang ako at pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan.

Nang makaupo sa mahabang sofa ay mabilis kong dinampot ang dyaryo bago ko binuksan ang flat screen tv gamit ang remote control.

Nagpaka-busy ako sa pagbubuklat ng dyaryo nang matanaw ko ang pagpasok ni Yezza sa loob ng living room.

Pabagsak nyang ipinatong sa center table na kaharap ko ang dalang tray na naglalaman ng aking almusal.

Mabilis syang tumalikod nang maipatong na nya doon ang tray..ni hindi man lang sya nag-abala na kausapin ako o tingnan man lang.

Saktong papalabas na sya sa pintuan nang muli ko syang tawagin.

"Yezza!"

"Ano na naman?"

Napahinto sya sa paghakbang at bahagyang lumingon.

"Malamig na yung kape,pwedeng pakiinit?"

Nagtitimpi ako sa pagtawa nang mapansin ko ang pagka-irita na bumalot sa kanyang magandang mukha.

Inaasahan ko na sisigawan na naman nya ako pero nagkamali ako ng iniisip.

Mabilis syang lumapit sa akin at walang sabi-sabi na dinampot ang mug ng aking coffee.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now