Chapter 29

11.4K 284 18
                                    

Yezza's POV

Katatanggal ko lang ng towel mula sa aking ulo nang bigla akong matigilan at gulat akong napalingon sa bungad ng aking pintuan.

Pahangos na pumasok si Carla at mabilis nya akong hinatak sa kamay palabas ng aking kwarto.

"Carla,hindi pa ako nakapagsuklay!"Reklamo ko sa kanya pero ni hindi man lang nya iyon pinansin.

"Mamaya kana magsuklay Ma'am Yezza dahil may himala na nangyayari sa loob ng kusina!baka hindi natin maabutan!"

"Ano?"

Oh my god!mahuhulog na ako sa hagdan gawa ng Carla na'to ah!

Napatakbo narin ako kahit wala naman akong kaide-ideya kung ano itong pinagsasabi ni Carla.

Saka lang nya ako binitawan nang makarating kami sa may bungad ng kusina.

Magkasabay pa kaming sumilip sa may pintuan at ganoon na lamang ang aking pagkamangha nang mabungaran ko kung sino ang laman ng kusina ngayon.

Napaawang ang aking bibig habang nakatitig sa nakatalikod na si Zev.

Sino ba naman ang hindi matitigilan kung ganitong eksena ang madadatnan mo sa loob ng kusina?

Si Zev..naka-topless habang suot yung color green na apron ko!

Shit!napaka-hot nyang tingnan!!

"Bibig mo...baka pasukan ng langaw!"

Napahawak ako sa aking bibig at binigyan ng nakamamatay na tingin si Carla na ngayon ay nagpipigil sa kanyang pagtawa.

Wala sa loob na kinurot ko sya sa kanyang tagiliran...

Inaasar kasi ako,eh!

"ARAYYY!!!MA'AM YEZZA NAMAN,BAKIT NANGUNGUROT?"

Kasabay ng paglingon ni Zev sa direksyon namin ang syang pagtalilis ni Carla ng takbo paalis mula sa bungad ng pintuan.

Aist!at iniwanan talaga ako na mag-isa dito!?

Mamaya ka sa akin,Carla!

Para hindi obvious na kanina pa pala ako lihim na nakatutok sa napaka-yummy na likod ni Zev ay humakbang nalang ako papasok sa loob ng kusina.

Bakit ba?

Eh,kararating ko lang..hmp!

Nilampasan ko  sya at nagkunwari akong hindi sya napapansin na abala sa pagluluto sa harapan ng kalan.

Dumiretso ako sa pwesto ng higanteng ref..pero ni hindi ko pa nga nabubuksan ang ref nang-

"Nakahanda na sa dining table ang fresh juice mo,Yezza..."

My eyes widened!

Ano yun?

Pakiulit?

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at napansin ko na nakapatay na yung apoy sa kalan.

Halos hindi ako makagalaw nang bigla syang humakbang at pumwesto sa aking likuran.

Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kanyang kamay sa ibabaw ng aking magkabilang balikat at marahan akong itinulak palabas ng kusina at patungo sa dining room.

Nagpatianod nalang ako sa kanyang ginagawa..

Kahit magprotesta man ako...may magagawa paba ako?

Kapag sinabi nya...at kapag ginawa nya...wala ka ng kawala!

Whoa!i don't believe this!

Nag-prepare ng breakfast si Zev?

Kasali ba talaga ako?as in?

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now