Chapter 45

13.4K 317 8
                                    

"EJ,i have something to tell you...it's about me and Zev,actually-"

'I know...'

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone nang marinig ko ang biglang pagsabad ni EJ sa aking sasabihin.

"Anong ibig mong sabihin EJ?"

'I'm sorry girl!pero alam ko ang lahat tungkol sa inyong dalawa.Zev,told me everything..sa katunayan nyan kasabwat ako sa lahat ng plano nya,kung paano ka nya matangay...I'm sorry Yezza,i can feel that's he really love's you,that's why tinulungan ko sya na ilihim sa'yo ang lahat..hindi dahil sa gusto ko sya kundi dahil sa gusto kong magiging kayo!'

Huminga ako ng malalim..plano pala ni Zev ang lahat ng nangyari sa event na yun,ngayon alam ko na kung bakit.

Ipinatong ko sa ibabaw ng tokador ang aking phone pagkatapos kong makausap si EJ.

Ano pa nga ba ang magagawa ko?pati kaibigan ko ay pumanig na din kay Zev...hayyy buhay nga naman.

*

*

*

Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at palihim kong sinulyapan kung sino ang iniluwa ng pinto.

Si Zev at may bitbit na unan.Dumiretso syang humakbang papalapit sa aking pwesto na kung saan nakaupo ako ngayon sa ibabaw ng aking kama habang abala sa pagtitipa sa aking laptop.

Marahan syang tumagilid ng higa sa aking tabi at walang pakundangang ipinulupot nya sa ibabaw ng aking tyan palibot sa baywang ang kanyang kabilang braso.Naramdaman ko pa ang pagsiksik nya ng kanyang mukha sa may gilid ng aking hita.

Hayyy...kasasabi ko pa lang na gusto ko munang mapag-isa....ang tigas din talaga ng bungo ng isang 'to eh,noh?

Hinayaan ko nalang sya sa kanyang ginagawa habang nagpakaabala ako sa harapan ng aking laptop.

"I'm leaving..."

Nabitin ang aking kamay sa pagtipa ng letra at mabilis akong napatingin sa kanya..pero nakabaon parin sa gilid ng aking hita ang kanyang mukha.

"Babalik na ako sa America..."

Tuluyan ko ng naisara ang aking laptop at inilapag sa bedside table.

"Kailan ka aalis?"Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumikip ang aking dibdib sa isiping aalis si Zev.

"Maybe this week?"

"Kailan ang balik mo?"

"Hindi ko alam,wala naman akong babalikan-"

"Akala ko ba mahal mo ako!?"

"Mahal na mahal kita syempre!at walang magbabago doon!"

Nagulat pa ako nang biglang tumaas ang kanyang boses at napatihaya sya ng higa.

"Eh bakit mo ako iiwanan?"

Napansin ko ang biglang pagkunot ng kanyang noo.

"Sinong may sabing iiwanan kita,wife?"

"Ikaw!diba nga sabi mo na aalis ka?"

Napangiwi ako nang bigla syang tumawa at hinila nya akong pahiga sa kanyang tabi.

"Oo,aalis ako na kasama ka...pinaayos ko na ang mga papeles natin,bibisitahin ko lang ang negosyong iniwan ko dun pati na yung bahay ko and after that babalik na rin tayo kaagad..."

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now