Chapter 14

9.9K 314 23
                                    

(NARRATOR)

SAMANTALA...

At the same day,naisipan ni Attorney Reyes na bisitahin yung dalawa sa mansyon.

Nababahala sya kung ano na ang nangyayari sa pagsasama ng dalawa nitong mga nagdaang araw.

Nagkakasundo kaya sila?

O mas lalo lang nagiging mortal na magkaaway ang dalawa.

Lalo na at nasaksihan ni Attorney Reyes ang matinding tensyon sa pagitan ng dalawa noong unang araw ng kanilang pagtatagpo.

Katahimikan ng buong bahay ang bumungad kay Attorney Reyes nang pagbuksan sya ni Carla ng pintuan.

"Tumuloy na po kayo sa living room Attorney..."

Iginiya naman sya ni Carla papasok sa loob ng malaking sala.

"Tatawagan ko nalang muna yung dalawa para sabihing dumating kayo..."

Paalam ni Carla kay Attorney Reyes..pero bago pa nakaalis ang dalaga ay muli syang tinawag ni Attorney.

"Sandali Carla at may itatanong lang ako sa'yo..."

Maagap namang bumaling sa kanya ang dalaga at hinihintay ang susunod pa nitong sasabihin.

"Ano ang napapansin mo kay Zev at Yezza nitong mga nakaraang araw?sapalagay mo ba ay nagkakapalagayan sila ng loob?"

Pinagsiklop ni Carla ang kanyang mga kamay habang nag-iisip...at maya-maya ay napapatingala narin sya sa kawalan habang iniisip ang mga kilig moments ng dalawa na nasaksihan nya.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at kitang-kita din ang tuwa na bumabalot sa kanyang mga mata bago nagsimulang magkwento kay Attorney Reyes.

"Ang sweet-sweet po nila kahit na lagi silang nagsisinghalan at nagbubulyawan."Panimula ni Carla.

"Noong unang araw na pananatili ni Sir Yvan dito?hindi naman nagkulang sa pag-aasikaso sa kanya si Ma'am Yezza...katunayan nyan ay hindi nya inaasa sa akin ang paghahanda ng almusal ni Sir Yvan twing umaga."

Napatango-tango lang naman si Attorney Reyes habang concentrate sa pakikinig sa kwento ng dalaga.

"Hindi lang nya ihahanda ang almusal ni Sir Yvan kundi magkasama pa silang kumain...ganoon po sila kalapit sa isat-isa....ibang-iba din ang paraan ng kanilang paglalambingan!"

"Do you mean na naglalambingan din silang dalawa?"Gulat na napatanong si Attorney Reyes.

"Exactly,Attorney!kung hindi pa nga ako dumating nang umagang iyon ay ewan ko lang kung saan na sila umabot!actually...kumakain lang naman sila sa loob ng dining room tapos nagulat nalang ako kasi nakita kong nakahubad na si Sir Yvan habang nakaupo dito sa mahabang sofa na yan at?"

Napalabi si Carla...nagdadalawang isip pa sya kung itutuloy ba nya ang pagku-kwento o hindi na.

"At?"

Pero nababanaag ng dalaga sa mukha ni Attorney Reyes na disidido syang malaman ang lahat-lahat kaya itinuloy nalang nya ang kwento.

"At nakapatong sa ibabaw ng katawan ni Sir Yvan si Ma'am Yezza...na-distract ko nga lang sila kasi syempre nagulat ako sa nakita kaya napatili ako ng malakas!"

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"Mukhang hindi makapaniwala si Attorney Reyes.

"Siguradong-sigurado po,Attorney!masyado ngang caring si Sir Yvan eh!ni ayaw nyang lumalabas ng mag-isa si Ma'am Yezza...akalain nyo yun?nabulyawan pa nya ako dahil hindi ko daw sinamahan si Ma'am Yezza papunta sa park!at dahil sa sobrang pag-aalala nya kay Ma'am Yezza,sinundan nya ito sa park...at alam mo ba kung ano ang nangyari?"

Dealing with my Husband's NephewМесто, где живут истории. Откройте их для себя