Chapter 8

11.1K 279 4
                                    

Unlike yesterday ay hindi ko na hinayaan na bulabugin pa ako ng kumag na iyon sa aking pagtulog para kulitin na naman na magpahanda sa akin ng breakfast.

Today,i woke up early para maihanda ko na ang kanyang almusal bago pa sya makababa mamaya.

Pilit kong iwinawaksi sa aking utak yung nangyari kahapon.

Hindi ko ipapakita sa kanya na naaapektuhan ako sa kanyang presensya!

Kung ang role ko sa buhay nya ay ang magiging ulirang Tita..so be it!

Kailangan kong panindigan iyon...ang magpaka-tita sa kanya!

Everything's perfect!i guess?

Pinasadahan ko muna ng tingin ang ibabaw ng mesa bago ako naupo sa dining chair.

Ang gagawin ko lang ngayon ay ang hintayin ang pagpasok ng prensipe ng mga walang modo!

Eksaktong alas otso na ng umaga nang maisipan kong tapunan ng tingin ang wall clock sa may dining room.Nakuha ng aking atensyon ang pintuan nang biglang bumukas iyon.Iniluwa ng pintuan ang napaka-preskong hitsura ni Zev.

He's wearing a black shirt and a black jogging pants.

Oh god!

Bigyan mo naman ako ng dahilan para mapintasan ang gorgeous man na nasa harapan ko ngayon!

Kasi kahit saan mang anggulo ang pasadahan ko ng tingin?sya parin yung gorgeous as ever na nakita ko!

I cleared my throat before i approach him..

"Sit down,the breakfast is ready!"

Unti-unting naglaho ang inipon kong ngiti kanina nang makita ko ang biglang pagkunot ng kanyang noo habang nakatutok sa mesa ang paningin.

"Hindi ka ba makahintay hanggang sa makababa ako?kailangan mo munang tanungin kung ano ang gusto kong breakfast Yezza,hindi yung pinangungunahan mo ako!"

Napadiin ang aking kamay habang nakahawak sa may gilid ng mesa.

Imagine?anong oras ako nagising para ihanda ng maaga ang laman ng mesa ngayon?

Tapos,ito lang ang mapapala ng pagod ko mula pa kanina?

Tao pa ba itong kaharap ko?

Pakiramdam ko wala kasing puso eh!at hindi marunong makiramdam!

"Gawan mo ako ng pancake at ihatid mo nalang sa may garden!don't forget my coffee..."Walang kaemo-emosyon sa kanyang boses nang sabihin nya iyan.

Ni hindi narin nya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita dahil kaagad na nya akong tinalikuran matapos nyang sabihin iyon.

Napapailing nalang ako at malakas na napatampal sa mesa dahil sa sobrang pagkainis ko sa bwesit na yun!

*

*

*

Dala ko na ang isang tray na may laman ng breakfast ni Zev bago ako lumabas ng bahay..ang sabi nya kasi ihahatid sa may garden,kaya heto na nga at ihahatid ko na.

Napatigil ako sa paghakbang nang matanaw ko si Carla sa may gilid ng maraming bulaklak.

Nagdidilig siguro pero nakapagtataka..bakit sya nakatulala sa kawalan?at hindi pa yun,napansin ko pa na bahagyang nakaawang ang kanyang bibig.

Sinapian na naman ito..sigurado.

Maayos kong ipinatong sa ibabaw ng bench ang tray..

Puro bench naman kasi ang makikita dito sa may garden,kaya wala na akong choice.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now