Chapter 17

10.9K 289 2
                                    

Muntik na akong mapaangat mula sa kinauupuan ko nang matanaw ang pagpasok ni Zev sa loob ng dining room.

My god!

Zev is so handsome on his business suits!

Pero napangiwi ako nang mapunta sa kanyang mukha ang aking paningin..as usual,the serious face ever ang bumungad sa akin.

Marahan syang umupo sa dining chair at mabilis na inangat ang mug ng kape.Inamoy-amoy nya muna iyon bago dinala sa kanyang bibig para higupin.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong marinig na reklamo mula sa kanya.

Tahimik lang kami habang kumakain.

Matapos nyang mailapag sa mesa ang baso ng tubig ay napansin ko ang mariin nyang pagtitig sa aking mukha.

Maya-maya napansin ko ang marahan nyang pagsalat sa kanyang pisngi pababa sa kanyang jawline..tapos bigla nalang syang napangiti at napapailing.

Ah..ngayon ko lang na-realize,hindi pa pala nawala yung pantal-pantal sa aking mukha..pero hindi na ito masyadong mapula tulad kahapon.

"Delicate skin..."Pabulong nyang sabi na sya namang ikinabilog ng aking mata.

So,balat ko pa ang sinisisi nya ngayon?

Wala talagang puso!

Hinintay nya munang maubos ang kanyang kape bago sya tumayo mula sa hapagkainan.

"Ngayong araw ang unang araw ko sa work..hindi mo man lang ba ako igo-good luck?"

Napaangat ako ng paningin at saglit na nagtama ang aming mga mata.

"Yezza,say good luck!"

Hah!

Kailangan ba talagang pilitin nya ako para lang masabi ang words na hindi naman bukal sa aking kalooban para sabihin iyon?

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo nasasabi ang-"

"G-good luck!"Putol ko sa kanyang sasabihin.Ayaw pa kasing aalis eh!

Alam ko paglabas nya mula sa bahay na ito ay magkakaroon na ng katahimikan ang buhay ko!

Kaya kung good luck ko lang naman ang hinihintay nya para tuluyan na syang lumabas eh di pagbibigyan ko nalang?

Napapailing nalang sya bago tuluyang lumabas mula sa dining room.

Hayyy salamat at magkakaroon na ng kapanatagan ang aking kalooban ngayong araw!

*

*

*

Buong araw ay wala akong ginawa kundi magpaka-busy sa harapan ng aking laptop.

Halos ilang oras ko narin ka-video call si EJ.

Kinwento nya sa akin na baka makakauwi daw sya dito sa Pilipinas dahil nagkaroon ng bagong branch dito yung Clothing Company na pinagtatrabahuan nya sa France.

And i am so happy about the news!

Syempre..magkakaroon na ako ng chance na mag-apply ulit..

Sayang naman yung potential ko sa pagde-design kung hindi ko ito magagamit.

Kasi alam ko,ang trabahong ito ang tanging mayroon ako..na masasabi kong akin talaga at wala akong kahati!

Hinilot-hilot ko ang aking batok bago ko isinara ang kaharap kong laptop.

Bumaba ako mula sa kama at naisipang lumabas.

Nasaan kaya si Carla?

Para akong kinikilabutan sa sobrang tahimik ng buong bahay habang pababa ako ng hagdan.

Dealing with my Husband's NephewDonde viven las historias. Descúbrelo ahora