Chapter 16

10.4K 289 3
                                    

Yezza's POV

Naramdaman ko na naman ang panlalamig ng aking mga kamay habang inaantay ang susunod na sasabihin ni Attorney Reyes.

Ganito din ang nararamdaman ko noon...noong una nyang ilathala ang first conditions na nasa last will and testament.

Ano na naman kaya ang pagsubok na masusuungan ko,this time?

Ni hindi ko nga buong akalain na nalampasan na pala namin ni Zev yung unang kondisyon.

Paano kaya nasabi ni Attorney Reyes na nagkapalagayan na kami ng loob ni Zev?

Na halos walang araw na hindi kami nagsisigawan kapag nagkataon na magkasalubong ang aming landas sa loob ng pamamahay na ito?

Napapailing nalang ako nang wala sa oras..

Nagpasalamat narin ako,atleast nabawasan na ng isa ang tinatahak naming pagsubok.

Apat nalang...

Apat nalang Yezza,at tuluyan ng magiging tahimik ang buhay mo kapag mawawala na sa iyong landas ang pervert na yan!

Kaya lawakan mo pa ang iyong pang-unawa at tiisin mo nalang muna ang nakakasukang ugali ng walang modong Zev na yan!

Paalala ko sa isip..bago ako napabuntong-hininga.

"The second conditions is..."

Hindi ko maiwasan ang hindi mapahawak ng mahigpit sa armrest ng sofa habang nakatutok kay Attorney ang aking paningin.

Nakatuon ang kanyang atensyon sa hawak na papel,marahil ay iniintindi nya muna kung ano ang nababasa doon bago nya sabihin sa amin ni Zev.

"Zev Yvan Zallera..."

Umangat ang mukha ni Attorney Reyes para lingunin ang katabi nitong si Zev na kanina pa din nagiging seryoso at mukhang nagtitimpi.

"Dahil nasa tradisyon ng inyong pamilya na ang lalaki lamang ang binibigyan ng karapatan na mamahala sa lahat ng ari-arian at lahat ng kayamanan na sinimulan ng iyong yumaong Lolo..at pinagpatuloy naman ng yumaong si Don Marcio..."

He paused for awhile..bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"And now is your turn,Zev Yvan...pinahintulutan ka ng iyong Tito na pamahalaan ang lahat ng naiwan nyang negosyo.Magmula sa malaking company na nagkaroon ng branch sa ibat-ibang panig ng mundo,Hotels and restaurant,Shipping line,and Resorts...but..."

Napaawang ang aking bibig nang marinig ang rebelasyon ni Attorney Reyes.Hindi rin nakaligtas mula sa aking paningin ang pag-usli ng tuwa mula sa sulok ng mata ni Zev.

So,ito pala ang nagpapasaya sa kanya...sana naman bumait na sya,this time!

"Ang unang hakbang na gagawin mo ay wala kang gagawin simula bukas kundi i-check muna ang kalagayan ng mga businesses na nabanggit ko kanina para malaman mo kung nasa maayos ba ang lahat..at kung nagkaroon man ng problema ay tutulungan mo ang mga taong pinagkatiwalaan ng iyong Tito na maglingkod sa bawat business para ayusin ito...i think naintindihan mo naman ang ibig kong sabihin,diba?o,kailangan mo pang uulitin ko?"

"I got it Attorney Reyes!hindi ako bobo!"

Napairap nalang ako sa kawalan...kahit kailan wala talagang modo!

Hindi kaya sya marunong rumespeto sa mga nakatatanda sa kanya?

Mas maigi pang bumalik sya sa kinder...baka kasi hindi nakapag-aral ng values!

"And you Yezza Montana..."

Wala sa loob na napakagat ako sa aking daliri.Gawain ko ito kapag nate-tense ako..

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now