Chapter 3

13.6K 327 6
                                    

Yezza's POV

'The first condition is...Zev Yvan and Yezza,you were be  living together under the same roof!'

Aaaaahhhhhh!!!!!

Ang sarap talaga magwala!

Kanina na ako pabiling-baligtad dito sa ibabaw ng aking kama pero paulit-ulit paring nagpi-play sa aking utak yung unang condition na inilahad ni Attorney Reyes kanina.

Ano ba ang gustong mangyari ni Don Marcio?

I doubt it kung pamangkin ba nya talaga ang walang modong Zev Yvan na yun!

Magkaibang-magkaiba kasi ang kanilang pag-uugali!!

Minuto...

Minuto ko palang nakakasama ang lalaking iyon pero pakiramdam ko ay nasasakal na ako sa kanyang presensya!

How much more kung magtatagal ng...

Mga araw...

Linggo....

Buwan....

At taon?

Oh god!nai-imagine ko na ang aking sarili that time...

Baka para na akong kalansay-

*knock*knock*knock*

Who the heck is that!?

Kung makakatok naman ay parang sisirain na yata yung pintuan ng silid ko!

Napabalikwas ako ng bangon at inis na tinungo ang pintuan para mapagsino ang nasa labas.

Marahas kong binuksan ang pintuan at-

My eyes widened  kasabay ang pag-awang ng aking bibig...

Bigla ang panlalamig ng aking mga kamay habang nakahawak pa din sa doorknob..sinabayan ng pagsalakay ng kakaibang kaba sa aking dibdib at hindi pa nagpahuli ang aking mga tuhod!

Dahil konting-konti nalang ay manlalambot na yung mga tuhod ko...

Hindi ko alam kung bakit ako nahipnotismo sa mga oras na ito..

Dumiretso ang aking paningin sa kanyang leeg..

Napalunok ako nang mapansin ang biglang paggalaw ng kanyang Adams apple..

Bumaba ang aking paningin sa matitipuno nyang dibdib...hindi ko maiwasan na hindi mapa-wow sa aking isipan...para kasing nililok ang mga iyon...

Bumaba pa ang aking paningin patungo sa kanyang a-abs?

Oh wait....

Nasaan na ang katinuan ko?bakit ako tinakasan ng hiya sa harapan ng kumag na ito???

Kanina inis na inis ako sa kanya!pero bakit ko hinayaang pagpyestahan ng inosente kong mata ang almost naked body ng walang modo na'to?

Waaaaaaaah!!!!!

"Enjoying the view?"Maangas nitong sabi..na syang ikinatigil ko.

Ipinilig ko ang aking ulo not even looking at him.

"Now do you see the difference between me and Tito?between the old man and the young one?"

Hindi ko maiwasan ang biglang pag-init ng aking mukha.I compose myself bago ko sinubukang magsalita.

"So,is this how you treat your Tito's wife...you pervert!standing naked in front of me!?"Pabulyaw kong sabi.

This time ay tiningala ko na ang kanyang mukha para salubungin ang nagbabaga nyang tingin.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now