Chapter 11

11.2K 292 8
                                    

Marahan nya akong ibinaba sa ibabaw ng mahabang sofa nang makapasok kami sa loob ng living room.

"Stay here...kukunin ko lang yung medicine kit."

Naku!si Zev ba yan?

Natataranta parin ako at tuliro sa pag-iisip hanggang sa nakita ko ang muling pagpasok nya sa loob ng sala habang bitbit ang medicine kit.

Lumuhod sya sa harapan ko bago binuksan ang medicine kit...may inilabas sya mula roon.

Dinampot nya yung cotton na may alcohol bago humarap at marahan nyang hinawakan ang aking binti para maayos ang gagawin nyang panglilinis sa sugat ko.

Pero ni hindi pa nga nya naidadampi sa aking sugat yung hawak na cotton ay maagap ko ng napigilan ang kanyang kamay.

"Ako na,kaya ko naman..."

Matalim nya akong tinitigan bago marahas na binaklas ang aking kamay na ngayon ay pumipigil sa kanyang kamay.

Haist!ano ba ang problema ng lalaking ito?

Napangiwi ako ng malaya na nyang naidadampi ang cotton sa area ng sugat ko.

Shit!ang hapdi...

"Magmula ngayon..hwag na hwag ka ng magsusuot ng ganito kapag lumalabas ka ng bahay!"Madiin ang bawat bigkas nya sa mga katagang iyon.

Bumaling sa kanyang mukha ang aking paningin at napansin ko nalang ang seryoso nyang mukha habang pinapahiran ng gamot yung sugat ko.

"Ano bang mali sa suot kong short ngayon?hindi naman ito masyadong maikli!"

"Ito ba ang paraan mo para makakuha ka ng atensyon ng mga kalalakihan?"

Naikuyom ko ang aking kamao..at konting-konti nalang ay masasabunutan ko na talaga ang lalaking ito!

"Hindi naman ako pumunta sa park para magpapansin!hindi mo ba nakikita-"

Matapos nyang lagyan ng band-aid ang sugat ko saka pa nya inangat ang kanyang mukha para titigan ako sa aking mga mata.

"At ano yung nakita ko kanina?"Diretsahan nyang tanong.

"Wala namang malisya dun!ikaw lang naman itong may makitid na utak!!"

Nakita ko ang pagrehistro ng galit sa kanyang guapong mukha.

"Ah..walang malisya?makitid ang utak?kanina halik sa pisngi...okay!at ano ang susunod?halik sa noo...halik sa ilong...hanggang sa halik sa labi!"

"ZEV YVAN ZALLERA!!!WATCH YOUR WORDS!!!"

Pero ni hindi sya nagpatinag sa ginawa kong pagsinghal sa kanya.

"Magpapahalik ka rin lang naman pala eh,so why don't you try it with me?"

Bago ko pa naibuka ang aking bibig para magsalita ay hindi ko napaghandaan ang pagkabig nya sa akin papalapit sa kanyang mukha at namalayan ko nalang ang paglapat ng mainit nyang labi sa aking mga labi.

Nanlalaki ang aking mga mata at para akong itinulos sa aking kinauupuan..masyadong mabilis ang pangyayari.

Halos hindi parin ma-absorb ng aking utak ang mga nagaganap ngayon.

As in...Zev did....what????

It's not just a peck or a quick kiss but he giving me a full mouth kissed!!

Oh my god!

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin...itutulak ko ba sya?

O,hahayaan nalang sya sa ginagawa nyang panghahalik sa akin?

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now