Chapter 21

10.2K 283 9
                                    

Marahan kong iminulat ang aking mga mata at gayun na lamang ang aking pagkagulat nang mapagtantong nakaupo ako sa sahig.

Nakatulugan ko na pala yung posisyon ko kagabi..kaya hindi na ako magtataka kung bakit nananakit ang likuran ko ngayon.

Nag-stretch ako ng katawan bago tumayo at lumabas ng silid ni Don Marcio.Kailangan ko pang ipaghanda ng almusal si Zev at ang kanyang bisita.

Dahil ang sabi nya kagabi ay maaga silang aalis ngayon.

Hinihilot-hilot ko ang aking batok habang patungo sa sariling kwarto.

Napahinto ako sa paglakad nang matanaw ko si Zev na nakatayo sa may tapat ng kanyang pintuan habang madilim ang mukha na nakatitig sa akin.

Ano na naman kaya ang problema nyan?

Ang aga-aga nakasimangot na!

Gee...saka ko lang na-realize na halata nya siguro na hindi ako natulog sa aking kwarto kagabi base narin sa suot kong damit ngayon.

O,baka naman ay nakita nya ang paglabas ko mula sa kwarto ni Don Marcio.

Eh,ano naman ngayon?

Anong problema nya doon?

Anong masama kung nagpalipas ako ng gabi sa loob ng kwarto ng asawa ko?

*

*

*

Tinungo ko ang guests room habang dala ang bagong damit at malinis na under garment na pwedeng mapagbihisan ni Tess.

Kaagad akong kumatok nang mapatapat sa pintuan.

Agad naman itong bumukas at bumungad sa akin ang bagong paligo na si Tess.

"You can use this...alam kong wala kang dalang damit kagabi.."

Sabay abot ko sa dalang damit.Nahihiya naman nyang tinanggap ito.

"Salamat!"

Nginitian ko lang sya bago ako tuluyang umalis at tumungo sa kusina para maghanda ng almusal.

*

*

*

"Eat a lot Tess,dahil marami tayong problemang aasikasuhin ngayon..."

Hindi ko maiwasan ang hindi mapairap sa kawalan.

Katapat ko kasi sa upuan sina Zev at Tess kaya naman ay kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano inaasikaso ni Zev itong bisita nya!

Oh god!

Bakit sumisikip ang dibdib ko?ni minsan ay hindi man lang nya nagawa sa akin ang pagsilbihan ako katulad ng ginagawa nya kay Tess ngayon!

Mabilis kong inubos ang fresh juice na nasa glass ko bago ako pasimpleng tumayo.

"Amm...mauna na ako at may gagawin pa kasi ako!feel at home Tess..."

Binigyan ko ng fake smile si Tess bago ako nagmamadaling tumalikod.

Argh!

Nakakabwesit!!

Hinanap ko si Carla sa labas ng bahay at kaagad ko namang natanaw ang dalaga habang abala sa pandidilig ng halaman.

Natigilan pa ako nang mapatuon ang aking paningin sa kanyang mukha.Bakit mukhang badtrip ang isang ito?hindi na kasi maipinta ang mukha eh!

"Oh,bakit ganyan ang mukha mo?"Pambungad ko sa kanya.

"Haist!naiinis ako kay Sir Yvan!paano ka nya kayang ipagpalit sa babaeng iyon?eh di hamak na mas maganda ka pa kaysa sa kanya!"

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now