Chapter 26

10.7K 292 15
                                    

Yezza's POV

Nakabantay ako sa labas ng bahay dahil inaantay ko ang pagdating ni EJ ngayon.

Oo,si EJ yung tumawag sa akin kanina nung kumakain kami ng almusal ni Zev kaninang umaga.

Nakauwi na pala sya ng Pilipinas at simula pa kagabi ang ginawa nyang pagtawag sa akin pero hindi ko nasagot kasi nga ikinulong ako ni Zev sa kanyang kwarto diba?eh,hindi ko pa naman dala yung phone ko.

Gusto ni EJ na magkikita kami pero nag-suggest ako na papuntahin nalang sya dito sa mansyon.

Tamang-tama!at nakikiayon yata sa akin ang pagkakataon dahil binigyan nya ako ng dahilan para malampasan ang third conditions!

I'm sorry EJ...gagamitin muna kita,kahit ngayon lang!

Bukas na ang panghuling araw na ibinigay sa amin na palugit para maisagawa ang tungkol sa pangatlong kondisyon.

At pangalawang araw pa lamang ngayon..

Mabilis kong binuksan ang gate nang tumunog ang doorbell.

Oh my god!

Nakakasilaw ang kaguapohan ni EJ!

"Yezza!!!i miss you so much girl!"

I just rolled my eyes nang biglang magtitili si EJ kasabay ang pagsunggab nya ng mahigpit na yakap sa akin.

"Umayos ka nga!"

Sabay hampas ko sa kanyang likod kaya kaagad naman nya akong binitawan buhat sa ginawa nyang pagyakap sa akin.

"Ang sama mo talaga kahit kailan!yan ba ang greetings na ipambungad mo sa akin matapos ang ilang buwan na hindi natin pagkikita?"

"EJ,pwede magpakalalaki ka naman kahit ngayon lang?"Hinatak ko na sya papasok sa bahay.

Oo,kung inaakala nyong straight itong si EJ...you were wrong!

EJ was my gay friend!kaya hwag na kayong magtaka kung bakit tumagal ng ganito ang friendship namin.

"Oh my god!ganito ka kayaman?nahiya naman ako...huhu.."

Nakaawang pa ang bibig nyan habang iniikot ng kanyang paningin ang loob ng mansyon.

"OA mo talaga kahit kailan!doon ka sa kusina dahil naghihintay na yung recipe ng cookies na gagawin natin.."

Na-miss ko yung lagi namin ginagawa ni EJ sa France...ang paggawa ng cookies kapag nagkataon na wala kaming trabaho.

Magkahawak kamay pa namin na tinungo ang kusina.

At ilang minuto pa ang lumipas ay masaya na namin sinimulan ang ginagawa.

Grabe!sobrang miss ko talaga si EJ kahit na lagi ko syang ka-video call...iba din talaga kapag nakakasama ko sya sa personal.

Nakaka-miss yung ka-sweetan nya at kakulitan nya sa totoo lang!

*

*

*

Tulad ng dati naming ginagawa ay nag-indian seat kami sa carpeted na sahig dito sa loob ng living room instead na maupo sa sofa.

Kapwa kaming nakatingala sa malaking screen ng tv matapos kong isinalang  sa DVD player yung dalang CD ni EJ na dress fashion show model ang laman.

Nasa harapan naman namin ang lalagyan ng cookies na ginawa namin kanina at may dalawang basong juice na ihinanda ko din para sa amin ni EJ.

"Oh EJ tikman mo..."

Sinubuan ko ng isang pirasong cookies si EJ na maagap naman nyang tinanggap.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now