Chapter 33

10.7K 279 7
                                    

Zev's POV

Napamura ako ng malakas nang mapagtantong wala na sa loob ng silid si Yezza pagkalabas ko mula sa banyo.

Damn!

Gawain ba talaga nya ang mang-iwan?

Matapos akong makapagbihis ay mabilis na din akong lumabas ng kwarto para mag-check out.

Mabilis akong pumara ng taxi para magpahatid sa mansyon.Ewan ko..nilulukob na naman ako ng inis.

Kung pwede nga lang sanang magwala ay kanina ko pa ginawa pero naisip ko din,baka mas lalo lang lumayo ang loob ni Yezza sa akin kapag masyado na akong harsh sa kanya.

*

*

*

Nagulat pa ako nang mabungaran sa may sala si Attorney Reyes.

Saglit na nagtama ang aming paningin..

Tanging pagtango lamang ang ginawa ko nang batiin nya ako.

"Carla,si Yezza?"

Tanong ko kaagad kay Carla nang bigla syang pumasok sa loob ng sala at may dalang tray.

"Nasa taas..."

Maagap nyang sagot habang ipinatong sa center table na kaharap ni Attorney Reyes ang dalang tray.

Wala na akong inaksayang oras..kaagad ko ng tinungo ang silid ni Yezza.

Kumatok ako ng tatlong beses pero hindi man lang nya ako pinagbuksan.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero talagang walang balak si Yezza na pagbuksan ako ng pintuan.

Mabibigat ang paa na tinungo ko nalang ang sariling silid.Nagpalit ako ng damit bago muling bumaba sa sala.

Nagpahanda na din ako ng breakfast kay Carla habang nakikipag-usap ako kay Attorney Reyes.

"Wala ba talagang balak bumaba si Yezza?importante pa man din itong sasabihin ko.."si Attorney Reyes.

Nagkibit lang ako ng balikat dahil wala naman akong maisasabad sa kanya.

Nakakain na ako ng breakfast pero hindi parin bumababa si Yezza.

"Katukin mo nga ulit Carla,sabihin mo at nagmamadali ako.."Utos ni Attorney kay Carla na agad namang sinunod ng dalaga.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay bumaba na din si Yezza.

Napatayo ako mula sa kinauupuan...kung hindi ko lang napigilan ang aking sarili ay nasunggaban ko na siguro sya ng mahigpit na yakap.

Oras palang ang lumipas na hindi ko sya nasilayan...pakiramdam ko ay gumuho na ang aking mundo!

How much more kung araw..linggo..at buwan?

Pero nanlulumo akong napaupo nang mapansin ko na hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa dahil ang pag-uusapan natin ngayon ay may kinalaman sa fifth conditions."

Wala man lang akong nakuhang reaksyon mula kay Yezza.Kinakabahan ako sa kung anuman ang lumalaro sa kanyang isipan ngayon.

"There's a resort in an island...pag-aari ito ni Don Marcio,he told me before he died bago ang revelation ng fifth conditions ay kailangan mag-stay muna kayo doon sa loob ng pitong araw.Ibig sabihin kapag hindi pa kayo makakapunta doon at manatili ng isang linggo ay hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang pang-huling kondisyon."

"Ayokong pumunta!"sabad ni Yezza matapos marinig ang sinabi ni Attorney.

Marahas akong napa-facepalm.Hindi pwedeng hindi makakasama si Yezza but damn it!parang seryoso yata sya sa kanyang sinabi!

Dealing with my Husband's NephewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon