Chapter 27

10.2K 262 1
                                    

(NARRATOR)

Pagkatapos ng tatlong araw ay muling bumalik sa mansyon si Attorney Reyes.

Gaya ng ibinigay nyang palugit sa dalawa ay hindi man lang nya ito binigyan ng extension date.

Dahil ang goal kung bakit yun ang nakasaad sa pangatlong kondisyon at kung bakit binigyan lamang sila ng tatlong araw para ma-accomplish ang inilathalang kondisyon ay para malaman kung pinagseselosan ba nila ang isat-isa.

Kaya kagaya dati ay kinausap na naman ni Attorney Reyes si Carla para itanong kung ano ang napapansin nya sa dalawa sa loob ng tatlong araw na nagdaan.

"Hayun Attorney...wala nalang ginawa yang dalawang iyan kundi magkulong sa kani-kanilang kwarto!"

"At bakit naman nila ginagawa yan?"

Kunwaring tanong ni Attorney para makakuha ng impormasyon mula kay Carla.

"Haist!ako ang nakukunsumisyon sa kanilang dalawa..ayaw pa kasing umamin sa tunay nilang nararamdaman!eh halata naman na mahal na mahal nila ang isat-isa!"

"Ano ba kasi ang nangyari?"

"Two days ago..umuwi si Sir Yvan na may kasamang babae at siguro hindi nagustuhan ni Ma'am Yezza yung pagdadala ni Sir Yvan na ibang babae sa pamamahay na'to..kasi nagulat nalang ako nang tumawag sa intercom si Ma'am Yezza,ikinulong daw sya ni Sir Yvan sa kwarto nito.Kaya naisip ko na baka pinalayas ni Ma'am Yezza yung babae na kasama ni Sir Yvan!kaya hayun nagalit ang tigre!"

"Pinalayas ni Yezza yung babae?tapos ikinulong sya ni Zev sa kwarto nito?"

"Exactly!kasi pinabantay ako ni Ma'am Yezza sa labas ng pintuan at-"

Biglang natigilan si Carla..nagdadalawang isip pa sya kung iku-kwento pa nya kung ano ang ginawa ng dalawa sa loob ng silid batid narin sa kanyang naririnig na mga malalakas na ungol ng gabing iyon.

"At?"

Pero mas pinili ni Carla na hwag nalang ikwento kay Attorney Reyes ang part na yun.

"At doon natulog si Ma'am Yezza..."

"Magdamag silang magkasama sa iisang kwarto?"Kumpirma ni Attorney.

"Yes Attorney!"

Napatango-tango nalang si Attorney Reyes bago muling nagtanong.

"At bakit muli silang nagkaroon ng tampuhan kung maayos naman pala silang nagsama sa iisang silid?"

"Kasi may dumating na lalaki dito at napagkamalan ni Sir Yvan na boyfriend yun ni Ma'am Yezza.Galit na galit si Sir Yvan pag-uwi nya mula sa trabaho at hayun napagbuntungan ng kanyang galit yung lalaki na nangangalang EJ!pinalayas iyon ni Sir Yvan dahilan para magtalo sila ni Ma'am Yezza..huli ko na kasing nalaman na kaibigan lang naman pala ni Ma'am Yezza si EJ."

Napakamot sa kanyang ulo si Carla..dahil naalala nya na sya naman talaga ang puno't-dulo kung bakit may tampuhan na nagaganap ngayon sa pagitan ng dalawa.

Kung hindi naman nya kasi sana kinuhanan ng litrato yung dalawa at ipinasa kay Zev ay di sana walang war na nagaganap ngayon!

"Sige na Carla,akyatin mo na silang dalawa at pababain mo dito sabihin mong mayroon kaming importanteng pag-uusapan."

Agad namang tumalima ang dalaga at mabilis na hinakbang ang pintuan palabas ng sala.

☆☆☆

Yezza's POV

Wala sa loob na pinakatitigan ko si Zev Yvan habang inaalala ko kung paano sya nagalit noong isang araw.

'Anong meron sa kanya na hindi mo man lang nakikita sa akin?'

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now