Chapter 34

11K 286 8
                                    

Excited akong nagising kinabukasan..

Do you know why?

Today is my first day going to work..nakausap ko si EJ kagabi,as expected...tuwang-tuwa ang aking kaibigan nang marinig ang aking pinaplano.

Babalik na naman sa dati ang daily routine ng buhay ko like when i was in France.

Napaawang na naman ang aking bibig nang bumungad sa akin ang isang kumpol ng bulaklak na nasa harapan ng aking pintuan.

Marahan ko iyong dinampot at binasa ang note na nakadikit doon.

'GOOD MORNING!AND I'M SORRY AGAIN..'

I'm sorry again?

Napalabi nalang ako habang nag-iisip..what's with Zev?

Ipinasok ko muna sa loob ng aking kwarto ang kumpol ng bulaklak bago ako bumaba.

"Ayy Ma'am Yezza!may lakad ka?"Kunot-noong tanong ni Carla sa akin nang makasalubong nya ako sa hagdan.

"Meron...natanggap kasi ako sa isang clothing company,at ngayong araw na ako magsisimula sa new job ko."

Napahawak sa kanyang bibig si Carla dahil sa pagkagulat..hindi ko nga alam na nakakagulat pala para sa kanya ang natuklasan ngayon.Sabagay nasanay na kasi si Carla na lagi akong nakakulong sa pamamahay na ito na kasama nya.

Napaangat ng mukha si Zev nang pumasok ako mula sa loob ng dining room.Napansin ko na saglit syang natigilan pero kaagad namang nakabawi.

Ipinatong ko muna sa isang dining chair ang dala kong handbag bago ako tuluyang naupo.

Inaasahan ko na magtatanong si Zev pero ilang minuto na ang nagdaan ay tanging katahimikan lamang ang namamagitan sa aming dalawa.

Tahimik kaming kumain ng almusal.Palihim ko syang sinulyapan kaya hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong tumayo para tunguhin ang kusina.

Pagbalik ko ay tangan ko na ang mug ng kanyang kape.Ginawan ko sya ng kape kahit hindi naman nya ako inutusan.

"Thanks..."Sabi nya nang mailapag ko sa kanyang harapan ang dala kong mug.

The other side of him...ngayon ko lang yata narinig na nag-thanks si Zev...

Ano ba ang nangyayari,Zev?

Muli akong bumalik sa aking pwesto at pinagpatuloy ang pagkain.

"Sumabay kana sa akin at ihahatid na kita sa lugar na pupuntahan mo.."He broke the silence na syang ikinatigil ko.

"There's no need Zev...susunduin ako ni EJ!"

Napansin ko ang tamlay na gumuhit sa kanyang guapong mukha.

Inaasahan ko na sisinghalan nya ako but i was wrong.

"Okay then..."

Sinundan ko sya ng tingin nang bigla syang tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

"I trust you..so be good Yezza!"

Oh god!

Si Zev ba talaga yun?

Hindi ko napigilan ang biglang pagsalakay ng kaba sa aking dibdib.

Hindi talaga ako makapaniwala sa biglang pagbabago ni Zev..why so sudden?

*

*

*

Masaya ang unang araw ko sa trabaho..

Taas-noo pa akong ipinakilala ni EJ sa iba pang kasamahan nya at ipinagmalaki pa nya ako sa lahat.

Hindi naman kalakihan ang branch ng clothing company na nakatalaga dito sa Pilipinas unlike in France.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now