Chapter 18

10K 275 5
                                    

Marahan kong itinulak ang dahon ng pintuan,hindi na ako kumatok dahil nakaawang naman ang pintuan ng library room.

Ni hindi man lang nag-aksaya ng oras si Zev para tapunan ako ng tingin habang abala sa katatitig sa harapan ng computer.

Haist!para naman akong hangin dito...

Mabilis akong humakbang papuntang study table na kung saan doon sya nakaupo at marahan kong inilapag doon ang maliit na tray na naglalaman ng mug ng kanyang coffee.

Hindi parin nya ako kinikibo..ni simpleng thank you ay hindi man lang nya sinambit.

Haist!Yezza..ano pa nga ba ang aasahan mo mula sa masungit na yan?

Tumalikod na ako at tinungo ang pintuan.Pero nakakailang hakbang pa nga lang ako nang-

"Stay!"

Napalunok ako ng mariin...

No..Yezza,baka sarili nya ang kausap nya..

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi kaya nagpatuloy lang ako sa paghakbang.

"I said stay Yezza!"

Naikuyom ko ang aking mga kamao bago marahas na humarap.

"At ano naman ang gagawin ko dito?may trabaho pa ako sa-"

"Nakita mo ang mahabang couch na yan?dyan ka maupo..."Putol nya sa aking sasabihin sabay turo sa mahabang couch.

At ano na naman ang binabalak nyang gawin?hwag nyang sabihin na idadamay nya ako sa pagpapakapuyat ngayong gabi!

Kung wala syang balak matulog..eh hwag nya naman akong idamay!

"Willing ka ba na tatayo dyan hanggat matatapos ako dito sa ginagawa ko?"

"Ibig mong sabihin..hihintayin kita hanggang sa matapos ka?ganoon?"

"Exactly!bantayan mo ako tonight...kaya kung ayaw mong mangalay yang nakakaakit mong binti...just sit down!"

I make a deep sigh bago tinungo ang mahabang couch at pabagsak na naupo doon.

Anong kalokohan na naman ba ang umiikot sa utak ni Zev?

Hindi na nga ako natatahimik buong araw kahit wala sya sa bahay tapos hindi na naman ba nya ako patatahimikin ngayong gabi?

Nagbilang ako sa isip gamit ang mga daliri..takte!para akong tanga dito,mabuti sana kung nadala ko yung phone ko kaya lang naiwan ko sa kusina kanina.

Pasulyap-sulyap ako sa kinauupuan ni Zev pero mukhang abala nga talaga ang hudyo!

Iaangat lang nya ang kanyang paningin kapag dadamputin yung mug ng kape para higupin.

Tapos balik na naman sa screen ng computer ang kanyang atensyon habang busy ang mga kamay sa katitipa sa may keyboard.

Haist!ang boring...dinadalaw na ako ng antok!

In-stretched ko ang aking mga paa at inayos ang pagkakasandal ng likod sa sandalan ng couch.

Anong oras kaya sya matatapos?

Kumanta ako ng twinkle-twinkle little star sa aking isip..para malibang ko ang aking sarili at mawala yung pamimigat ng aking mata.

Kinanta ko na din ang lupang hinirang..

Yung bahay-kubo..

Leron-leron sinta..

Nakanta ko na't lahat-lahat pero mas lalo lang bumigat ang aking mga mata.

Diko na yata kaya..

Kaya bago ko pa namalayan ay ginupo na ako ng mahimbing na tulog habang nakaupo sa mahabang couch.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now