Chapter 31

11.3K 290 15
                                    

Kanina pa ako paroo't-parito habang tahimik lang na nagmamasid sa akin si Zev.

Sino ba naman kasi ang hindi mapakali sa isiping magkasama kami ni Zev sa loob ng presidential suite ngayon?

"Yezza,mauna ka ng mag-shower..or gusto mo sabay na tayo?"

Bigla akong napatigil at marahas syang hinarap.

"Mauna na ako!"Singhal ko sa kanya bago walang lingong-likod na tinungo ko ang banyo.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyan!akala mo ay napaka-natural lang sa kanya ang lahat!

Haist!

Hinubad ko na ang suot kong floral dress bago iyon maayos na isinabit sa towel rack shelves bago ko isinunod ang suot na under garment.

Mabilis akong nag-shower at pagkatapos kong maligo ay muli kong isinuot yung under garment ko bago kinuha ang isang bathrobe at mabilis na isinuot iyon.

Pinatuyo ko muna ang aking buhok gamit ang maliit na bath towel bago ko naisipang lumabas mula sa banyo.

Napalunok ako at kaagad na sinalakay ng matinding kaba ang aking dibdib nang sa paglabas ko ay naging dim light nalang ang nagsisilbing liwanag sa kabuuan ng silid.

Lumipad ang aking paningin sa isang di kalakihang mesa na kung saan naka-set ang candlelight dinner sa gitna ng mini-sala nitong kwarto.

Naging sunod-sunod ang aking paglunok.Ni hindi ko naisip na magagawa ni Zev ang ganito.Na ipaghanda ako ng romantic dinner!

Ni hindi ko naisip na may itinatago din palang ka-romantikuhan si Zev Yvan Zallera!

"I'll take a quick shower first...bago tayo kakain,okay?"

Kung saan ako nakatayo kanina bago pumasok sa loob ng banyo si Zev ay hindi parin ako nakakaalis sa aking pwesto hanggang sa makalabas sya mula sa bathroom.

"Let's eat Yezza..."

Nalingunan ko sya na nakasuot narin ng bathrobe habang papalapit sa akin para igiya ako sa may mesa.

Marahan akong naupo matapos nya akong ipaghila ng upuan.Kapwa kaming tahimik ni Zev.

Hindi ko alam kung bakit binalot kami ng katahimikan..parehong nasa pagkain ang atensyon naming dalawa.

Siguro,dahil pareho kaming gutom?

O,di kaya masarap lang talaga ang mga pagkain na nakahain ngayon?

O,di kaya pareho lang kaming nakikiramdaman sa kung ano ang dapat mangyari pagkatapos nito?

Wala akong alam..at wala akong maintindihan...basta ang alam ko ay nababalutan ng kaba ang aking dibdib.

Takot na may kasamang excitement?

Pag-aalinlangan na may kasamang pagdiriwang sa aking puso?

Masaya ako sa hindi ko alam ang kadahilanan...

Dahil ba pinaramdam ni Zev sa akin na mahalaga ako?

Dahil ba nagkaroon sya ng efforts kahit hindi ko inaasahan?

Dahil ba pinaramdam nya sa akin na espesyal ako?

Pagkalapag ko ng baso sa mesa pagkatapos kong uminom ay sya namang pagbalot ng malamyos na tugtugin sa loob ng silid.

Mas lalo akong nataranta nang mapansin ko ang biglang pagtayo ni Zev at paghakbang nya patungo sa aking pwesto at kasabay ang paglahad ng kanyang palad sa harapan ko.

🎵would you dance,if i ask you to dance?🎵

Oh god!hindi ko alam kung nakakadala ba ang boses ni Enrique Iglesias nang pumailanlang ang kanyang kanta na Hero?

Dealing with my Husband's NephewTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang