Chapter 2

14.9K 382 9
                                    

Pareho kaming seryoso ni Zev Yvan habang inaantay ang unang condition na nakapaloob sa last will and testament na iniwan ni Don Marcio.

Nandito na kami sa may living room ngayon matapos kumain.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit lagi nalang binubundol ng kakaibang kaba itong dibdib ko.

Nakikita ko kasi mula sa peripheral vision ko ang panaka-nakang pagsulyap ni Zev sa akin.

Sa pagkakaalam ko ay hindi naman exposed ang katawan ko sa suot kong damit ngayon.

Ganyan ba talaga sya kung makatitig?para bang ngayon lang sya nakakita ng babae ah!

But for heaven's sake!

Of all people..hwag naman ako!nakakailang kaya...

Iba kasi ang naging epekto ng kanyang mga titig sa akin...para bang bigla nalang mag-iinit yung magkabilang pisngi ko.

Tulad ngayon...

Ha?

Halata na kayang namumula ang pisngi ko ngayon?

Oh no!

Napakurap-kurap ako at umayos ng upo..

"Okay,babasahin ko na sa inyo ang first condition ni Don Marcio.."

Biglang nanlamig ang aking mga kamay nang magsimula ng magsalita si Attorney Reyes.

Mayroon syang inilabas mula sa kanyang attached case.Isa itong document na naglalaman siguro ng important matters na may kinalaman sa mga kayamanan na naiwan ni Don Marcio.

"Mayroon syang limang condition na dapat nyong malampasan..especially you Zev Yvan Zallera dahil nakasalalay dito ang mamanahin mo..hanggat hindi nyo nagagawa ang unang condition ay hindi ko sasabihin sa inyo ang mga susunod pa na natitirang conditions so,kung gusto nyong matapos ang limang condition sa lalong madaling panahon..kailangan nyong makipag-cooperate sa isat-isa.."

Agad akong napatingin sa direksyon ni Zev Yvan pero wrong move-

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang matamang nakatitig sa akin.

Ano na naman ba ang nagawa ko?

"The same to you Yezza Montana...bago pa mamatay si Don Marcio ay nangako ka sa kanya na tumayong Tita ni Zev Yvan so you'd better keep that promises..or else you're in trouble.."

Napangiwi ako dahil sa narinig.

Oo,kung noon ay nangako ako dahil na din sa naaawa ako sa matanda.Ayokong mamamatay sya na may dalang hinanakit sa kanyang kalooban.

Pero noon yun...noong inaakala ko na sing-bait din ni Don Marcio ang kanyang pamangkin.

But meeting his nephew at this very moment ay gusto ko ng magback-out sa pangakong iyon.

Pero paano ko pa babawiin ang pangakong iyon kung wala na rin ang tao na syang pinangakuan ko?

Fine!

Wala ng dahilan para magawa ko pang talikuran ang obligasyon na nakaatang sa balikat ko ngayon..

Kung ang magiging kapalaran ko ay ang tumayong Tita ng isang arogante at walang modo na lalaking ito...so be it!tinatanggap ko na ang katotohanang iyan..

"The first condition is...Zev Yvan and Yezza you were be living together under the same roof!"pagpapatuloy ni Attorney Reyes.

"What!?"Magkasabay pa kami ni Zev na napatanong.

"For how long?"Frustrated nitong tanong kay Attorney Reyes.

"No approximate date..pero ang nakasaad dito,hanggang sa makapagpalagayan kayo ng loob..so,nasa sa inyo na yan..kung paabutin nyo ng isang taon maybe magkaka-apo na ako sa tuhod nito hindi pa tayo makaka-move sa mga natitirang conditions...pag-isipan nyong mabuti,remember Zev Yvan...nakasalalay dito ang mamanahin mo,so be good to Yezza!"

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now