Chapter 13

11.2K 311 9
                                    

Matapos kong makausap si Leo na kung saan sya ang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon na mag-handle ng naiwan kong trabaho sa company na pag-aari ng aking magulang habang wala ako sa States ay naisipan ko na lamang na bumaba sa underground ng bahay na'to.

Isang malawak na boxing area ang makikita sa underground..

Ginawa itong boxing area dahil alam ni Tito na mahilig ako sa pagba-boxing.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong bumaba dito..ilang araw na ako sa loob ng pamamahay na ito at ngayon ko lamang naisipang silipin ang paborito kong space dito sa mansyon.

Siguro dahil nasa good mood ako ngayon?

At ano naman ang dahilan kung bakit ako naging hyper ng wala sa oras?

Dahil ba sa kanya?

Dahil ba sa ginawa kong marahas na panghahalik kay Yezza?

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang bumalik sa aking alaala ang tagpong iyon.

Alam kong mali...

Alam kong hindi ito ang tama...

Pero bakit kayhirap supilin yung nararamdaman ko?

Tinungo ko ang shelves na kung saan doon nakahilera ang mga gloves na gagamitin ko sa pagba-boxing.

Kumuha ako ng isang pares na gloves at mabilis kong sinuot iyon sa aking kamay.

Nilingon ko ang nakasabit na heavy bags sa loob ng boxing ring..bago ako pumasok sa loob.

Nag-body warm-up muna ako bago ko sinubukang mag-spar mag-isa gamit ang heavy bags.

Binuhos ko ang buong atensyon sa kaharap na heavy bag...

Ito ang ginawa kong stress reliever kahit noon pa man.

Malalakas ang bawat pwersa ng aking kamao na tumatama sa heavy bag.

Hindi pa iyon sinubukan ko ding patamain ng isang side kick na ginawa ko ang gilid ng heavy bag.

Nang mapagod sa ginagawa ay wala sa loob na napayakap ako sa heavy bag...idinikit ko doon ang aking noo habang napapikit ng mariin.

'You are gorgeous Zev,at hindi ka mukhang hudas...'

Napangiti ako at marahang dumilat...

Alam kong wala na syang choice kaya nya nasabi iyon...pero bakit ba ang gaan-gaan sa pakiramdam kapag naiisip ko ang pagsambit nya sa katagang iyon?

Yezza...ano ba ang ginawa mo sa akin?

Marahan akong lumingon sa bungad ng pintuan nang makaramdam ako ng presensya ng isang tao.

Nararamdaman kong may nakatitig sa akin kahit kanina pa pero hindi ko nalang binigyan ng pansin.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil saktong paglingon ko ay sya namang pagtalikod ni Yezza.

So,she's here...

Napangiti ako bago ko sya tawagin sa kanyang pangalan.

"Yezza!"

Napahinto sya sa paghakbang pero hindi man lang lumingon.

No!hindi sya pwedeng umalis...

Kailangan gumawa ako ng paraan para mapapayag ko sya na magstay dito ngayon na kasama ko!

☆☆☆

Yezza's POV

Pinagsisihan ko kung bakit naisipan ko ang bumaba dito sa underground!Minsan pala ay hindi pwedeng sundin ang power ng iyong instinct!

Dealing with my Husband's NephewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon