Chapter 41

11.7K 318 10
                                    

{SPG ALERT}

Nasa kalagitnaan na ng gabi nang maalimpungatan ako sa aking pagtulog.Nangangatal ang katawan ko dahil sa matinding lamig na nararamdaman ko.

"Yezza?"

Na-istorbo ko narin si Zev na mahimbing sa pagtulog habang nakayakap parin sa aking likuran.

"I-m f-freezing..."

Pati boses ko ay nanginginig din dahil sa lamig na aking nararanasan ngayon.Ni hindi ko maimulat ang aking mga mata dala siguro ng pamimigat ng ulo ko.

Naramdaman ko ang likod ng palad ni Zev na lumapat sa aking leeg at noo.

"God...nilalagnat ka.."

Puno ng pag-aalala ang kanyang boses bago marahang bumangon.Ilang segundo syang nawala mula sa aking tabi,pakiramdam ko ay may hinahalungkat sya sa loob ng bag..nakakarinig kasi ako ng kaluskos sa bandang paanan ng higaan namin na kung saan doon nakalapag ang kanyang dalang bag.

Pagbalik nya ay marahan nyang inangat ang aking ulo at mayroon syang isinubo sa aking bibig.

"Drink this medicine Yezza para huhupa ang lagnat mo..."

Inilapat nya sa aking bibig ang baso na may lamang tubig at pikit mata ko naman yun tinungga.

Muli nya akong pinahiga at binalot nya sa aking katawan ang buong kumot.Pero ni hindi parin nawawala ang lamig na nararamdaman ko.

"Shit!this is my fault!kung bakit kasi ay hindi man lang ako nagdala ng extrang blanket!"

Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha alam kong nababalutan iyon ng matinding pag-aalala.

Natatakot kaya sya na baka may masamang mangyari sa akin tapos malayo kami sa kabihasnan?

Ni hindi sya makahingi ng tulong dahil wala namang signal sa isolated island na ito..tapos hindi rin nya ako maisugod sa hospital kaagad dahil wala naman kaming masasakyan.

Muli kong naramdaman ang paghawak nya sa akin.Pinasuotan nya ako ng ilang pirasong damit pero hindi iyon nakakatulong dahil para na akong nasasakal kaya mukhang sumikip yata ang aking paghinga.

"Ang tigas talaga kasi ng ulo mo,wife?sinabi ng hwag masyadong magbabad sa tubig..."

Kung hindi sana masama ang pakiramdam ko ay masisinghalan ko na naman sya nang wala sa oras.Pati ba naman sa ganitong sitwasyon ko ay asawa parin nya ang nakikita nya?hindi talaga sya nakakatulong,kahit kailan!

Nanginginig parin ako sa lamig at wala paring epekto ang mga damit na suot ko pati na itong kumot na nakabalot sa akin ngayon.

Ilang minuto siguro ang lumipas nang maramdaman ko ang pagtanggal ni Zev ng kumot mula sa ibabaw ko.Isa-isa narin nyang tinanggal ang damit na pinasuot nya sa akin kanina.

Gusto kong mag-protesta pero wala akong lakas para magsalita.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagdagan ng malaking katawan ni Zev sa ibabaw ko.I knew it...we both naked right now!

Tinanggal pala ni Zev lahat ang saplot ko sa katawan at tanging undies lang ang suot ko ngayon.Kahit sya ay wala ding saplot dahil ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan na lumapat sa aking dibdib.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa ginawa ni Zev.Hinihigop ng kanyang katawan ang matinding lamig na nararamdaman ko kanina.

At ngayon ay mapayapa na akong ginupo ng antok habang nakakubabaw sa akin si Zev.

*

*

*

Napasinghap ako nang makaramdam ng mumunting halik na gumagapang sa aking leeg pataas sa jawline...sa gilid ng aking labi..sa tuktok ng aking ilong..sa noo..sa pisngi at huminto iyon sa ibabaw ng aking labi.

Dealing with my Husband's NephewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon