Chapter 19

10.7K 299 5
                                    

Yezza's POV

Nagising ako dahil sa pangangalay ng aking braso kaya wala sa loob na iminulat ko ang aking mga mata.

Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtantong wala ako sa loob ng aking kwarto.

Hinilot-hilot ko pa ang aking braso dahil magdamag ko sigurong ginawang unan ang kawawa kong braso.

Tinapunan ko ng tingin ang study table at naroroon parin ang tray na pinaglagyan ko ng mug ng kape ni Zev kagabi.

Bigla na naman akong sinalakay ng inis sa isiping hindi man lang nya ako ginising nang matapos sya sa kanyang ginagawa.

May puso pa ba ang lalaking iyon?

Paano nya naatim na iiwanan akong mag-isa at hinayaang matulog sa ibabaw ng couch?

ZEV YVAN ZALLERA!!!

Biglang bumukas ang pintuan at-

"Oh my god!nandito ka lang pala Ma'am Yezza...inisa-isa ko ng tingnan ang lahat ng kwarto pero hindi kita matagpuan!haist ang akala ko lumayas kana...huhuhu ang akala ko ay iniwanan mo na akong mag-isa dito.."

I just rolled my eyes..

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

"Eh nag-utos ang master!maaga daw syang papasok ngayon kaya he need breakfast immediately!"

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao.

Ano ba talaga ang tingin nya sa akin?dakilang katulong?

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo mula sa couch.

"Manghilamos lang ako at magsisipilyo,itanong mo sa kanya kung ano ang gusto nyang almusal.."

"Okay..pero teka lang Ma'am Yezza!bakit ka dito natulog?may pagka-ulyanin kana ba?at nakalimutan mo kung saan banda yung kwarto mo?"

Napabuga ako ng hangin pero mas pinili kong lumabas na lamang at umakyat sa silid ko.

Hahaba lang ang usapan kapag sinubukan kong makipag-usap kay Carla ngayon.

*

*

*

Titig na titig sa akin si Zev na syang mas lalong ikinangitngit ng aking kalooban.

"Pwede bang kumain kana?akala ko ba nagmamadali ka ngayon?"Taas-kilay kong singhal sa kanya.

"Nangangamoy ka Yezza...ni hindi ka muna nagbihis man lang?hindi ko alam kung paano nakatagal sa'yo si Tito Marcio!"

Agad kong inamoy ang aking sarili pero wala naman akong naaamoy na kakaiba sa aking sarili.

Inaasar na naman ako ni Zev,sigurado!

"Makapagbihis muna?kung mayroon ka sanang puso Zev Yvan Zallera ay nagawa mo akong gisingin bago ka lumabas ng library room na yun..kaysa hayaan mo akong makatulog doon!"

Nakita ko ang pagsilay ng kakaibang ngiti mula sa kanyang labi.

"Really?bakit hindi mo sisihin ang sarili mo?wala naman akong kasalanan Yezza Montana..baka nakalimutan mo,ang sabi ko maupo ka sa couch at wala akong sinabi na matulog ka dun!"

Napakagat nalang ako sa aking pang-ibabang labi bago itinuon ang buong atensyon sa kaharap kong pagkain.

Kailan ba kasi ako mananalo sa discussion kung si Zev ang taong kausap ko?

Mas maigi pa nga na manahimik nalang para maiwasan ang paghaba ng usapan.

*

*

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now