Chapter 30

11.7K 318 9
                                    

Unti-unti ng nawawala ang excitement na namumuo sa aking puso mula pa kaninang umaga.

Yung ngiti na nakapuskil sa aking labi ay tuluyan ng naglaho.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang dumaan..

Nangangalay na ang aking pang-upo sa kahihintay sa kanya..pero anong oras na at hindi parin dumadating si Zev.

It's getting late already!

Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa inis.Kung bakit kasi kailangan pa nyang mangako kung hindi naman nya kayang tuparin!

At kung bakit din kasi,para akong si tanga na kaagad na nagpapaniwala sa mga sinasabi ni Zev!

Haist!

Alam kong nagbubunyi sa kaligayahan si Zev ngayon dahil napaikot na naman nya ako sa kanyang mga palad..

Pinagmukha nya akong tanga sa paghihintay sa kanya...samantalang nakikipag-enjoy naman sya sa piling ng iba!

Limang minuto...

Limang minuto nalang ang hihintayin ko at kapag hindi parin dumating si Zev?

Aakyat na talaga ako sa aking kwarto at magkulong doon..makikita ng Zev na yan!hinding-hindi ko sya kakausapin kahit pa maglulumuhod sya sa harapan ko!

Argh!!!

I hate him!i so really hate him!!

Biglang tumunog ang aking phone kaya nagmamadali akong tanggalin iyon mula sa loob ng aking handbag.

EJ calling...

"Oh bakla,napatawag ka?"bungad ko sa kanya.

'Gaga!busy ka ba?'

I'm not busy..okay!

"Hindi naman,bakit?"

'That's good!magbihis ka at may pupuntahan tayo..'

"Ngayon?as in ngayon na?"

'Mmm...I'm on my way now para sunduin ka...'

*toot*toot*toot*

Shit!baklang iyon...

Ano daw?susunduin nya ako?ngayon mismo?

Mas lalong gumulo ang utak ko dahil sa kaiisip ngayon.Nagda-dalawang-isip parin ako kung sasama ba ako kay EJ o magmumukhang tanga nalang sa paghihintay kay Zev dito magdamag?

Pero ilang minuto na ang lumipas...hindi parin ako nakakapagdisisyon..

Sa totoo lang,nagbabakasakali parin ako na mas maunang dumating si Zev at para may dahilan man lang ako kung bakit hindi ako makakasama kay EJ.

Pero napuno ng disappointment ang aking kalooban nang marinig ko ang pag-doorbell sa labas ng gate.

Walang choice..mabigat ang mga paa na tinungo ko ang front door para makalabas ng bahay.

Fine!sasama na ako kay EJ ngayong gabi!

Bakit ba?

Sya lang ba ang marunong maghanap ng kaligayahan ngayong gabi?

Makikita nya...hindi lahat ng oras ay magpapakulong ako sa loob ng pamamahay na ito!

*

*

*

"Mabuti nalang at pinayagan ka ng overprotective mong pamangkin?"Basag ni EJ sa katahimikan habang nakatutok sa daan ang paningin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"Tanong ko imbes na sagutin yung sinabi nya kanina.

"Wala..na-miss lang kita!kaya naisipan kong i-date ka ngayon at para mapag-usapan narin yung hot mong pamangkin!oh my god kailan mo ako ipakilala sa kanya?sana pala pinasama mo nalang sya kanina..."

Dealing with my Husband's NephewOù les histoires vivent. Découvrez maintenant