Chapter 44

11.7K 286 5
                                    

Hindi na maipinta ang aking mukha ngayon habang kaharap si Attorney Reyes at Zev Yvan sa loob ng living room.

Oo,nandito si Attorney Reyes para pag-usapan ang panghuling kondisyon ni Don Marcio.

Ang akala ko ay kagustuhan talaga ni Zev na masolo ako sa loob ng anim na araw kaya nya ako tinangay sa isolated island..

Hindi pala...nagkamali na naman ako ng iniisip!ginawa pala nya ang bagay na yun dahil sa pansariling interest!

Tinraidor nya ako since ayokong pumunta sa resort na matatagpuan sa isang island katulad sa pinahayag ni Attorney Reyes sa amin noong huling paghaharap namin.

Napatingin ako sa aking phone na kasalukuyang nakapatong sa armrest ng single couch na kinauupuan ko ngayon.

Marahan ko itong dinampot para tingnan kung sino ang nag-message sa akin.Tumunog kasi ang message alert tone ng phone ko.

Kumunot ang aking noo nang mabasa ang pangalan na naka-registered sa aking phone.Kailan pa ako nag-save ng ganitong pangalan sa may contact list ko?

FROM:MY HANDSOME HUSBAND

《What with the long face,wife?》

Nanlalaki ang aking mata sabay ng pag-angat ng aking mukha para tapunan ng tingin si Zev.Pero nakatitig din sya sa kanyang cell phone habang naka-half smirk.

So,kagagawan nya talaga ito!bigla akong napaisip,kailan kaya nya nahawakan ang phone ko?

Ah tama!i remember it now...noong sinugod nya kami ni EJ sa loob ng restaurant at dinala nya ako sa five star hotel!naalala ko pa nga na MY NAUGHTY WIFE pa yung sina've nyang pangalan ko sa kanyang contact list!

Haist!malay ko ba kasi na pinakialaman nya pala ang contact list ko.

REPLY:TO MY HANDSOME HUSBAND

《PAKIALAMERO!!bakit ito ang pangalan na inilagay mo sa contact list ko?》

MESSAGE SENT!

Narinig ko pa ang pagtunog ng kanyang message alert tone kaya mabilis nya itong binuksan.Napansin ko na nagiging busy sya sa pagtitipa..ano na naman kaya ang ire-reply nya dun sa message ko kanina?

Bumaling ako sa hawak kong phone nang may message na dumating.

FROM:MY HANDSOME HUSBAND

《Gusto ko lang,bakit ba?》

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang nag-iisip na dapat kong ire-reply.Pero ni hindi pa nga ako nakapag-type nang-

"So,magtitigan nalang ba kayo sa cell phone nyo at hindi na tayo magsisimula?"

Napaupo ako ng tuwid kasabay ng pagpatong ko ng aking phone sa may center table nang biglang magsalita si Attorney Reyes.

Matalim kong tinitigan si Zev na ngayon ay kampante lang sa pagkakaupo habang nakapuskil pa sa kanyang labi ang mapang-asar na ngiti.

Inirapan ko nalang sya bago itinuon kay Attorney ang aking buong atensyon.Napansin kong may inilabas na dalawang copy ng document si Attorney Reyes at kaagad nya itong dinistribute sa amin ni Zev.

"Since,natupad nyo na pareho ang kahilingan ni Don Marcio kaya ngayon na ang revelation ng panghuling kondisyon..sa katunayan nyan,xerox copy lang yang document na hawak nyo ngayon,ang original copy ay matatagpuan sa loob ng kwarto ni Zev Yvan Zallera.."

Nakatuon parin kay Attorney Reyes ang aking atensyon habang nawiweirduhan ako sa kanyang pahayag ngayon.

"And Zev Yvan...ngayon mo na pwedeng buksan ang blue box na iniwan sa'yo ng iyong Tito gamit yung susi na ibinigay ko sa'yo noon,hinihiling ko lang sa inyong dalawa ay sana hindi kayo magugulat sa masaksihan..kung anuman ang kahihinatnan matapos nyong malaman ang panglimang kondisyon sana ay pag-usapan nyo ito ng maayos.Ang hangad lang ni Don Marcio...para sa ikakatahimik ng kanyang kaluluwa,Zev Yvan and Yezza...sana magkasundo kayo at magiging masaya!"

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now