Chapter 9

10.8K 284 4
                                    

Zev's POV

Wala sa sariling pinaglalaruan ng aking daliri ang hawak kong larawan habang nakahiga ako sa ibabaw ng kama.

Itinapon ko na ito noong nakaraang araw..pero heto na naman ako ngayon,parang tanga at nagbago na naman ang takbo ng aking isip.

Muli kong isinilid sa aking wallet ang larawan na kanina ko na pinapasadahan ng tingin bago ako umahon mula sa kama.

Nakaramdam ako ng pagka-uhaw kaya naisipan kong bumaba at pumunta sa kusina.

Bigla akong natigilan nang makuha ng aking atensyon ang loob ng living room.

Nakasindi pa kasi ang ilaw doon kahit na pasado alas-onse na ng gabi.

Sino pa kaya itong gising pa sa ganitong oras?

Tatlong tao lang naman ang laman ng bahay na ito.

Ako.

Si Yezza.

At si Carla.

O,baka naman nakalimutan lang ni Carla na i-off ang ilaw bago sya umakyat kanina?

Marahan kong tinungo ang living room pero biglang napakunot ang aking noo nang mapagsino  ang laman ng sala.

Natanaw ko si Yezza habang abala ang kamay sa pagguhit ng kung ano sa kaharap nitong sketchbook.

Nakabukas din ang kanyang laptop na nasa bandang gilid nya.

Dahil sa pagkaabala ay hindi man lang nya naramdaman ang marahan kong paglapit.

Umikot ako sa bandang likuran nya para malaya kong masilip kung ano ang kanyang ginagawa.

Nagtataka ako nang makita ko na puro mga damit ang kanyang ginuguhit.

Pasimple ko ding sinilip ang screen ng kanyang laptop..at nabasa ko doon ang tungkol sa clothing company at nakita ko ang nakasulat na dresses designed.

Teka...

Isa kaya syang dress designer?

Ano na naman bang pakana ito Yezza?

Bakit pa sya nagpapakapuyat sa walang kwentang bagay na ito kung isa na syang secret billionaire ngayon?

Napapailing nalang ako bago marahang lumayo mula sa kanyang kinauupuan.

*

*

Papalabas na ako ng kusina nang bigla nalang akong magulat.Hindi ko kasi napaghandaan ang pagpasok ni Yezza sa loob.

"Ayyyy Mommy!!!!!"Malakas nyang pagtili.

"I'm not your Mom!"Bulalas ko sa kanya na syang ikinatigil nya.

"Zev Yvan?anong ginagawa mo dito?"Gulat nyang tanong sa akin.

"Why,kailangan ba talaga na magkaroon muna ng permiso mula sa'yo bago ako makapasok dito sa loob ng kusina?"

Nagbaba sya ng tingin at halata ko mula sa mapupungay nyang mga mata ang pagkaantok.

"What i mean is...hindi ka pa pala natutulog..."

Mahina ang pagkakasabi nya bago humakbang patungong right side ko..nakaharang kasi ako sa dinadaanan nya.

Pero nang dumaan sya sa side ko agad kong pinigilan ang kanyang braso.

"Ikaw,bakit hindi ka pa din natutulog?"

Pilit nyang binabaklas ang aking kamay pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang braso.

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now