Chapter 24

10.5K 260 3
                                    

Buong araw akong nagkulong sa kwarto at buong araw ding wala sa bahay si Zev.

Sunday ngayon at walang office...

I knew it kung nasaan ngayon si Zev!talagang kinareer na nya siguro ang paghahanap ng girlfriend.

Bago sya umalis ng bahay kanina ay sinabihan na nya si Carla para ipaalam sa akin na hwag na daw syang ipaghanda ng dinner dahil hindi sya magdi-dinner sa bahay ngayong gabi.

At heto nga....pasado alas nueve na ng gabi ay hindi parin nakakauwi si Zev.

Magkasabay na kaming kumain ng dinner ni Carla kanina at iniwanan ko narin mag-isa sa kusina ang dalaga dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang aking ulo dahil sa kaiisip tungkol sa third conditions na kailangan naming malampasan sa loob ng tatlong araw.

Isang araw na ang lumipas...at dalawang araw nalang ang natitirang palugit,pero ni wala pa akong naisip na idea kung paano ako magkakaroon ng sariling boyfriend!

*knock*knock*

"Ma'am Yezza tulog kana ba?sasabihin ko lang sana na dumating na si Sir Yvan at may kasamang malanding babae!"

Bigla akong napaahon mula sa kama at tarantang binuksan ang pintuan.

"May kasamang malanding babae?"Kunot-noo na tanong ko kay Carla.

"Bumaba ka kaya para ikaw mismo ang makasaksi sa eksena ng dalawang iyon?kasi ako...aakyat na sa kwarto at matutulog!"

Pagkasabi nya ng ganoon ay kaagad na nya akong tinalikuran.

Nagdadalawang-isip parin ako kung sundin ko ba ang utos ni Carla sa akin or hahayaan ko nalang si Zev?

Pero hindi kasi ako mapakali dito...para akong sinasakal buhat sa narinig.

Kaya without any second thoughts ay mabilis ko ng tinungo ang hagdan para bumaba.

Halos umakyat sa aking ulo ang lahat ng dugo ko sa katawan nang matanaw ko ang isang babae na halos litaw na ang buong kaluluwa dahil sa ikli ng saplot sa katawan!

Slut!

How dare you Zev?

Nag-zoom in ang aking paningin sa mga kamay ng babae na ngayon ay nakalingkis sa braso ni Zev.

Taas-noo ko silang nilapitan...bakit ba?pamamahay ito ng asawa ko kaya mayroon akong karapatan na panghimasukan ang ganitong bagay!hmp!

Hinarap ko yung babae sabay tanong na-

"Boyfriend mo?"

Itinuro ko si Zev na ngayon ay hindi man lang nag-aksaya ng panahon para tapunan ako ng paningin.

Kasabay ng pag-iling ng babae ang marahas kong pagbaklas sa kanyang mga kamay na mahigpit na nakapulupot sa braso ni Zev.

Marahas ko syang hinatak papunta sa pintuan at walang sabi-sabing itinulak palabas ng bahay.

"You're not allowed in here!alam mo naman siguro ang daan palabas ng gate!?"

Pagkasabi ko ng ganoon ay malakas kong isinara ang pintuan at mabilis na ini-lock iyon.

Halos nahigit ko ang aking hininga nang sa pagharap ko ay hindi na maipintang mukha ni Zev ang aking nabungaran.

But the hell i care!!

"DO YOU REALLY NEED TO DO THIS,YEZZA MONTANA?HOW COULD YOU RUIN THE WHOLE THING?GINAWA MO BA TALAGA ITO PARA MABIGO AKO SA THIRD CONDITIONS NA YUN?AT NANG SA GANOON AY HINDI KO MAKUKUHA ANG AKING MANA!?"

"Its not what you think Zev!alam kong galit ka sa Tito mo pero igalang mo naman itong privacy naming dalawa noong nabubuhay pa sya!wala kang karapatan na magdadala ng kung sinu-sinong babae sa loob ng pamamahay ng asawa ko!"

Dealing with my Husband's NephewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon