Chapter 1

18.9K 431 9
                                    

Yezza's POV

Three years later...

*

*

*

Pinakatitigan ko ng mariin ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin sa may tokador dito sa loob ng aking kwarto.

I wearing a simple casual dress..at hinayaan ko na lamang na nakalugay ang mahaba kong buhok.

Ngayong araw ang pagdating ng pamangkin ni Don Marcio..

Ang yumao kong asawa...

Its almost three months now after he died.

Huminga ako ng malalim at wala sa sariling napangalumbaba sa ibabaw ng aking tokador.

Mariin akong napapikit.

I miss my parents...

Tatlong taon na ang lumipas at heto ako ngayon nakakulong sa isang hawla na pilit kong tinatakasan noon.

Kasalanan ko ang lahat..

Kung hindi sana ako umalis ng bansa..kung nakinig sana ako kay Papa..kung hindi sana naging matigas ang aking ulo..

Di sana..buhay pa din ang aking mga magulang magpa-hanggang ngayon.

Sinundan nila ako sa France dahil sa ayaw kong bumalik ng Pilipinas.At yun ang dahilan ng kanilang pagkasawi.

Kasama sila sa naganap na plane crashed.

My poor parents...

At dahil sa naganap na trahedya ay halos hindi ako pinapatahimik ng aking konsensya.

Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari..kaya without any second thoughts,bumalik ako ng Pilipinas.

Tutuparin ko ang last wishes ni Mama at Papa para sa akin.

Yun ay ang pakasalan si Don Marcio.

Akala ko magiging magaan na ang aking pakiramdam dahil sa wakas ay matutupad na ang pangarap ni Papa para sa akin.

But then,mas dumoble pa yata ang guiltiness na bumabalot sa aking puso nang makaharap ko si Don Marcio.

He's about to die...

Kaya ganoon na lamang ang kasiyahan na bumalot sa kanyang mukha nang marinig nya ang aking disisyon na gusto ko nang magpakasal sa kanya.

Actually,hindi naman kami ikinasal na nagkaroon ng engrandeng kasal tulad ng inaakala ko.

Pumirma lang ako ng marriage contract para magiging legal nya akong asawa.

At nang sa ganon ay malaya nyang maililipat sa akin ang lahat ng maiiwan nyang mga kayamanan.

Since he was alone dahil pumanaw na din ang nag-iisa nyang kapatid na babae.

Mayroon syang pamangkin pero hindi naman daw nya ito pwedeng pagkatiwalaan dahil simula nang mamatay ang mga magulang ng kanyang pamangkin ay doon narin nagbago ang pakikitungo nito sa kanyang Tiyuhin.

Marahil at si Don Marcio ang sinisisi nito dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Eversince ay hindi na daw ito nagpapakita pa kay Don Marcio kahit na nga ba bawat araw ay lalong lumalala ang karamdaman ng matanda.

'Alam kong darating ang araw na babalik din ang aking pamangkin...paghandaan mo ang araw na yun,Yezza..nakasalalay sa'yo ang kanyang mamanahin,so you can deal it with him!'

Dumating na nga ang araw na sinasabi ni Don Marcio.

Dahil ngayon na ang araw ng paghaharap namin ni ZEV YVAN ZALLERA!

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now